Millet's POV
"GISING!!!"
"Ahhhh!!! Asan?!"
"Anong asan?" Tanong nitong si Wacky na nagtataka
"Yung sunog?" Tanong ko dito
"Anong sunog?" Tanong ulit nito
"Eh bakit ka ba sumigaw?" Tanong ko sa kanya
"Gumising ka na, mag gygym tayo" sabi nito at tsaka lumabas ng kuwarto
Seriously? Ako mag gygym? Sira ba ang ulo ng mamaw na to? Hindi nga ako nagbubuhat ng kahit anong mabigat tapos mag gygym?!
"Bilisan mo!" Sigaw nito mula sa labas
"Oo!" Sagot ko dito at tsaka tumayo at nag ayos ng sarili ko
Mukhang seryoso nga siya na mag gygym kami ngayon. Lakas din talaga ng topak ng lalaking to eh. Maisipan na lang eh.
*********
Marco's POV"Oh? Bakit bihis na bihis ka?" Nagtatakang tanong ni Ken sakin
"Mag gygym kami ni Millet" sabi ko dito at tsaka tinignan ang orasan ko
"Mukhang nagwowork na ang magic ah?" Biro niya sakin
"More like sumpa" sabi ko naman dito
"Ibig sabihin ba nito bro.. Wala kang gusto kay Millet?" Tanong nito sakin
"W-Wala ah! Ano bang mga iniisip mo?" Iniwas ko ang tingin ko dito at tsaka muling tumingin sa orasan ko
"Kasi kung hindi mo siya gusto.. Ako I'm starting to like her"
Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Is that even possible?
"Alam ko weird, pero looking at her personality and all... I like her man" ngumiti ito at tsaka ako tinignan
"Bakit?" Tanong ko dito
"Ibig sabihin kapag bumalik kayo sa dati puwede ko siyang ligawan?" Tanong nito sakin
"Aba malay ko sa babaeng yun... Hindi naman ako ang magdedecide nun eh" sabi ko dito at tsaka sumandal sa pader
"Paninindigan ko yun pare. Pangako, kapag bumalik na kayo sa dati... Liligawan ko siya" tinapik nito ang balikat ko at tsaka umalis
Seryoso siya? Si Millet liligawan niya? Pero... Bakit ako apektado?
***********
Millet's POV"Lalim ng iniisip ah" biro ko kay mamaw nang maabutan ko siyang nakatulala habang nakasandal sa may pader
"Lets go" aya nito sakin at tsaka nagsimulang maglakad palayo
Tignan mo yun, siya ang mag aaya tapos ngayon mang iiwan naman siya. Hindi ko talaga siya magets.
"May problema ba?" Tanong ko dito habang naglalakad kami papunta ng gym
"Wala" sagot nito pero hindi ako tinitignan
"Okay" sabi ko dito at tsaka siya inunahan na maglakad
"Hoy, san ka naman pupunta?" Tanong nito sakin mula sa malayo
"Mag gygym" sabi ko dito at tsaka siya nilingon
"Tss... yan ba ang gym sayo? Well okay lang kung katawan mo dahil ang payat payat mo pero katawan ko yan ginagawa mong baboy eh" sabi nito tapos nilapitan ako at hinawakan ang kamay ko
