Millet's POV
"Okay ka na ba? Aalis na ko ah? Kailangan ko ng pumunta sa pictorial" paalam ko dito kay Marco na naka higa lang sa kama
Naka uwi na kami ng bahay dahil okay nanaman siya and nakumpleto niya na yung pag inom ng gamot.
"Sasama ako" sabi nito at tsaka pilit na tumayo
"Hoy ano ka ba! Baka mabinat ka" sabi ko dito at tsaka siya pinigilan na tumayo
"Gusto kong sumama" sabi naman nito
"Mabilis lang naman yung shoot eh" sabi ko dito
"Yun nga eh mabilis lang kaya puwede akong pumunta" sabi nito at tsaka pilit na tumatayo
"Eh bakit ba gustong gusto mong sumama? Wala ka naman gagawin dun eh" tanong ko dito at tsaka naupo sa may gilid ng kama
"Ano... Kasi... Gusto kong makita sarili ko kapag nagmomodel bakit ba?" Pautal utal na paliwanag nito at tsaka nagpunta sa may cabinet at nag umpisa ng mamili ng damit na susuotin niya
"Ano ba yan, wala ka man lang magandang damit" reklamo nito
"Pasensya na po kayo kamahalan at wala po akong hilig sa damit damit na yan kaya hindi ako namimili" sabi ko naman dito at tsaka siya inirapan
"Tigilan mo nga kaka irap mo, nagmumukha akong bakla kapag ginagawa mo yun eh" reklamo ulit nito at tsaka pumasok sa banyo para maligo
"Napaka talaga nitong mamaw na to. Walang kaligtas ligtas eh" reklamo ko at tsaka lumabas para mag kape na lang muna habang inaantay siyang matapos
"Oh, tara na baka malate ka pa"
Agad akong natulala nang makita ko ang napka ganda kong itsura. Akalain mong gaganda ang porma ko?
"San mo naman nahagilap yan?" Tanong ko sa kanya
"Pinunit ko yung pantalon mo tapos ito t-shirt ko nung elementary ako" paliwanag niya sakin
"Elementary? Grabe ka natago mo pa yun? At in fairness ah ang ganda" sabi ko dito at tsaka siya nginitian
"Akalain mo talaga, akalain mong magkasya pa sayo ang pang elementary na damit ko" pang aasar nito
"Ewan ko sayo! Nakaka inis ka na ah! Maging baboy ka sana" tinalikuran ko ito at tsaka ako nagsimulang maglakad
Natigilan lang ako nang maramdaman ko ang pag hawak niya sa kamay ko. Pag tingin ko sa kanya bigla na lang siyang umiwas ng tingin sakin.
"Ang.... Ang b-bilis mo kasing maglakad eh" sabi nito tapos umayos ng tayo "Tara na baka hinahanap ka na nila" sabi nito habang naka tingi sakin
Such a weird person. Agad akong naglakad na hawak hawak ang kamay niya at ang weird ng pakiramdam dahil sa weird na kalagayan namin. Pero ang pakiramdam ko para akong kinakabahan na hindi ko maintindihan.
"Tara" sabi ko dito nang mabuksan ko ang pinto ng sasakyan
"Magsasasakyan ka pa malapit lang naman?" Pang aasar nanaman niya
"Eh kasi po bagong opera ka kaya iniintindi ko ang kalagayan mo. Bakit? Ano ba ang gusto mong gawin? Ma-" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang bigla siyang magsalita
"Gusto ko maglakad kasabay ka" sabi nito habang nakatitig sa mga mata ko "Gusto ko kasabay kang maglakad habang nakahawak sa kamay mo" pagpapatuloy nito
Teka ano daw? Gusto niya kong makasabay maglakad? Teka teka! Gusto niya kong makasabay na maglakad habang magkahawak kamay kami?!
"ANO?!" wala sa sariling tanong ko dito
