Millet's POV
"AYOKO NA! I NEED TO GO OUT!" sigaw ni Marco kaya naman agad akong napabalikwas ng tayo at tumakbo palabas
"Anong nangyari?" nag aalalang tanong ko dito
"Yan, sama mo si Millet" sabi ni Ken
"Saan?" tanong ko
"Sasama ko yan? Ano naman gagawin namin? Mag aaway?" tanong naman ni mamaw
"Edi mag date kayong dalawa tutal naman 'mag boyfriend' kayo diba?" ngumisi si Ken kay Marco at tsaka ito tumayo at umalis ng condo
Sus, akala ko naman kung ano nangyari. Umupo ako sa dining room at tsaka nagsimulang magtimpla ng kape.
"Badtrip" dinig kong reklamo nitong si Marco at tsaka naupo sa tapat ko
Di ko na lang ito pinansin dahil nga baka mag away lang kaming dalawa kapag kinausap ko pa siya. Kumuha ako ng tinapay at tsaka nagsimulang mag umagahan.
"Hoy" tawag ata sakin nitong si Marco
"Oh?" tanong ko sa kanya
Tinignan ko ito nang hindi ako sagutin dahil baka mamaya sasagot sagot ako yun pala may kausap lang siya sa cellphone niya. Naka tingin lang ito sakin tapos umiwas lang din ng tingin na parang bata tapos bumuntong hininga.
"Bakit?" tanong ko dito
"Lalabas tayo, magbihis ka" sabi nito at tsaka tumayo at pumasok ng kuwarto niya.
Such a weirdo.
**********
Marco's POV
Tama ba tong ginagawa ko? inaaya ko siyang lumabas? Ang weird naman. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at tsaka ito sinimulang kausapin.
"Kung ikaw? Papayag ka ba kaya sakin? Bakit ba kasi ang sensitive mong tao" sabi ko dito sa mukha ni Millet at tsaka nahiga sa kama
Ginugulo mo utak ko. Ang weird weird mong babae ka.
"Marco?"
Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang marinig ko siyang kumatok sa kuwarto ko. Agad akong tumayo at binuksan ang pinto para kausapin siya.
"Bakit?" tanong ko sa kanya
"San ba tayo pupunta? Para alam ko naman kung anong isusuot ko" sabi nito sakin
"Ikaw na mag isip ng pupuntahan basta wag lang baduy na lugar" sabi ko dito
Nanlaki naman ang mga mata niya at tsaka ngumiti ng pagkalapad lapad. Tss anong problema nitong taong to? Ang weird eh.
"Mag pants at shirt ka ah! Alam ko na kung saan!" nagtititili nitong sabi
"Hey shut up!" sigaw ko dito "Baka isipin ng mga kapit bahay nasasapian ka na at ang tinis ng boses mo" sabi ko dito at tsaka siya binagsakan ng pinto
So totoo nga? Lalabas kaming dalawa? DATE? Shit! Bakit ba ko kinakabahan?
"Hoy, umayas ka nga" sabi ko sa sarili ko habang tinuturo ang reflection nitong Millet na to
***********
Millet's POV
Nasa sofa ako ngayon, nakapaligo at nakapag ayos na ko pero hanggang ngayon hindi parin lumalabas tong si Marco. Parang babae eh.... Babae nga pala siya ngayon =_= ano ba to pati ako nalilito na.
"Tara"
Napatingin naman ako sa kanya na naka tayo sa may pintuan ng room niya. Nginitian ko ito at tsaka agad agad na tumayo at lumapit sa kanya.