Marco's POV
"Sigurado ka sa gagawin mo?"
"Yun ang tama... Yun lang naiisip kong tama" tumingin ako kay Ken at tsaka huminga ng malalim
Flashback
"Lola, totoo po ba sinasabi ni Ken na habang tumatagal mas lalong mahihirapan kami na makabalik sa katawan namin?"
"Wag kang mag-alala makakabalik din kayo sa katawan ninyo" ngumiti ito sa akin at tsaka hinawakan ang kamay ko "Mahal mo siya, mahal na mahal mo siya nararamdaman ko" sabi nito sakin
"Yung.. Yung sa sakripisyo lola... Kung sakaling ako ang magsakripisyo? Mapapano ang katawan niya?" Tanong ko kay lola
"Hindi maaapektuhan ang katawan niya basta't maisakatuparan mo na makapagpalit kayo kapag nagsakripisyo ka. Pero hijo, hindi mo kailangan magsakripisyo" nag aalala nitong paalala sakin
Pero mahuhuli na ang lahat... Kapag hindi ako kumilos kaagad mawawala ng bisa ang lahat at hindi na kami makakabalik sa dati naming katawan. Ang gusto ko lang ngayon... Maging masaya siya... Yun lang ang mahalaga sakin.
"Marco" tawag sakin ni Ken pero hindi ko ito pinansin at tsaka ako lumabas ng bahay nila lola para makapag isip
End of Flashback
"Nakahanda naman na ang lahat diba?" Tanong ko dito
"Oo... May mag aabang sayo na mga medics para matakbo ka agad sa ospital kung sakali.... Pero Marco, ang sabi ni lola satin pwedeng masaktan din si Millet kung hindi matupad ang sakripisyo mo" nag aalala nitong paalala sakin
"Mangyayari 'to... Magpapalit kami ng hindi siya masasaktan okay?" Nginitian ko ito at tsaka tinapik sa balikat
"Sigurado ka ba?" Tanong nito sakin
Agad kong kinuha ang telepono ko at tinawagan si Millet.
"Hello? May problema ba?" Tanong nito sakin
"Gusto ko lang marinig boses mo" sabi ko dito at tsaka umupo sa may hood ng sasakyab
"Anong meron? Bakit gising ka pa?" Nagtataka nitong tanong sakin
"Naalala ko lang... nung una tayong nagkita... Ang sama sama ko sayo"
"Buti naman alam mo" natatawa niyang biro sakin
"Mahal na mahal kita... Mahal na mahal kita"
"Paulit ulit? Narinig ko...... Mahal na mahal din kita" natatawa nitong sagot sakin
"Para lang maalala mo na mahal na mahal kita kung sakaling malimutan mo" biro ko dito "Magpahinga ka na... Bukas may surprise ako sayo"
"Talaga? Ano?" excited na tanong nito sakin
"Loko ka talaga.... Hindi na surprise yun kapag sinabi ko sayo" natatawa kong biro dito habang pinupunasan ang luha sa mga mata ko
"Eeee.... Sige na nga... Basta agahan mo bukas ah?... I LOVE YOU" Inaantok nitong sabi sakin
"Isa pa nga" request ko dito
"I LOVE YOU I LOVE YOU" paulit ulit nitong sabi sakin
"Mahal na mahal kita... Mahal na mahal kita"
Matapos kong sabihin yun ay agad kong inend ang tawag at tumingin kay Ken na nasa may kabilang side.
"Pano? Ikaw na bahala ah?" Nginitian ko ito at tsaka ako sumakay sa kotse
"Marco" tawag nito sakin
"Ken... Dalhin mo siya kung san kami nagkabanggaan ah? Sabihin mo sa kanya kung gano ko siya kamahal" ngumiti ako dito at tsaka binuksan ang makina ng sasakyan
Wag kang mag alala mahal ko... Bukas... Okay na ang lahat... Antayin mo lang ako... Magiging okay ang lahat... Magiging okay tayong dalawa.
Millet's POV
"MILLET"
"MILLET"
"MILLET"
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ni Marco sa tabi ko. Sa sobrang sakit ng ulo ko hindi ako masyadong makagalaw. Nanghihina ang buong katawan ko at sobrang hilong hilo ako. Ano ba nangyayari sakin?
"Marco?" Mahina kong tawag dito
"Millet? Thank God your okay"
Agad naman luminaw ang taong nasa tabi ko ngayon. Agad akong napa upo at tumingin sa paligid ko.
"Ken? Nasan si Marco?" Tanong ko dito
"Millet" sabi nito sakin na may halong pag aalala
Agad naman akong napabalikwas ng makita kong nakabalik na ko sa katawan ko pero bakit ganito nararamdaman ko? Diba dapat masaya ako? Bakit ang bigat bigat ng pakiramdam ko.
"Asan si Marco? Bakit tayo nandito?" Nakita kong nasa lugar kami kung saan kami nagkabungguan ni Marco
"Wala na si Marco"
Bitin!!
Vote and comment guys!
