Millet's POV
"Wow"
"Mas maganda ka parin" bulong sakin ni Ken at tsaka hinawakan ang kamay ko
"Alam mo na ba kung san?" Naka ngiti kong tanong dito
"Hmm... Hindi ko pa alam pero sabi naman nila madali na lang hanapin kaya mamasyal muna tayo" aya nito sakin at tsaka hinawakan ang kamay ko
Ito... Ito ang gusto ko kay Ken. Lagi siyang may surprises, lagi siyang nandyan para pasayahin ako.
"San ba tayo pupunta?" Tanong ko dito
"San pa ba? Edi sa paborito mo" sabi nito
"Pagkain?" Excited kong tanong dito
Natawa naman ito at tsaka huminto sa harap ko.
"Museum" sabi nito at tsaka muling hinawakan ang kamay ko
Natawa naman ako at tsaka siya inakap sa braso "Let's go!" Aya ko dito at tsaka kami sabay na naglakad
"Wow"
"Next time, exhibit mo naman ang aasikasuhin natin" bulong sakin ni Ken
"Baka langawin lang" biro ko dito
"Bakit naman lalangawin? Nandun kaya ang number one fan mo" sabi nito at tsaka ako inakbayan
"Puro ka talaga kalokohan" sabi ko dito at tsaka siya hinila para mag ikot ikot
"Meron daw ditong dinadayo ng mga tourists" sabi ni Ken habang nakatingin sa mga brochure na kinuha niya bago kami pumasok "Yung lost hearts" pagpapatuloy nito habang sabay kaming naglalakad at naglilibot sa museum
Pero natigilan ako sa paglalakad nang may marinig akong pamilyar na boses. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko, para may sariling utak ang mga paa ko. Unti unti dinala ako ng mga paa ko kung saan nandun ang isang pamilyar na boses.
"Pano naman naging puso yan?" Reklamo nito sa kasama niya
"Yan oh, heart tapos itim"
"Eh bakit naman itim? May sakit ba siya sa puso?" Biro nito sa kasama niya
"Puro ka talaga kalokohan eh no? Appreciate mo na kasi"
Dahan dahan naglakad ako palapit dito. Isang pamilyar na boses, pamilyar na tindig, pamilyar na likod. Totoo ba ang nakikita ko? Tama nga kaya? Siya nga kaya?
"San ka nagpunta?"
Agad naman akong napatingin kay Ken na halatang nag aalala sakin. Pero agad ko din ibinaling ang mga mata ko kung saan ko narinig si...
"Yan na ba yung lost hearts?" Tanong sakin ni Ken habang nilalapitan ang sculpture
Nakatayo siya kung saan dun ko din nakita kanina ang lalaking matagal ko ng hinahanap... Matagal ko ng hinahanap para sa closure.
"Baby? Okay ka lang?" Tanong sakin ni Ken
Tinitigan ko ito. Ang sabi ng utak ko lapitan ko si Ken at wag ng isipin kung sino man ang nakita ko at kalimutan ko na lang ang nakaraan.
"Baby? Hey?"
Pero ang sabi ng puso ko... Habulin mo... Tanungin mo siya, awayin mo, saktan mo, humingi ka na ng closure.
"Millet!" Habol sakin ni Ken
Agad akong tumakbo palabas ng museum. Agad kong inisa isa ang mga taong naglalakad. Para akong baliw na naghahabol sa isang multo...
Multo ng nakaraan ko. Multo na sinaktan ako ng husto. Tinakbuhan ko ang lalaking mahal na mahal ako at hindi ako pinabayaan para habulin ang lalaking nawala ng parang bula.
Natigilan ako ng makita ko siyang nakatayo sa labas ng isang coffee shop. Tama ba nakikita ko? Siya ba talaga to? Pero bakit? Bakit iba ang itsura niya? Si Marco na halos hindi makalabas kapag hindi maayos ang damit niya at Marco na kailangan ayos palagi ang buhok at itsura.
Nakikita ko ngayon ay isang lalaking naka t-shirt ng itim, naka pantalon at naka bonnet. Mahaba ng konti ang buhok at naka tayo sa harap ng isang coffee shop.
Pero mas higit na kinagulat ko ay ang nararamdaman ko. Bakit? Bakit ang bilis bilis ng tibok ng puso ko ngayon? Tatawid na sana ako papunta sa kanya.
Papunta sa lalaking nanakit ng puso ko pero halos huminto ang lahat nang makita ko si Cha. Si Cha na lumabas ng coffee shop. Inaantay ni Marco. Nakita ko ang mga ngiti niya nang makita niya si cha na lumabas ng shop at tinulungan niya ito sa bitbit niyang kape at tinapay.
Dati... Masakit kasi nawala ng parang bula ang lalaking mahal mo pati ang bestfriend mo na itinuring mo ng kapatid. Masakit kasi puro tanong lang at walang closure pero mas masakit pala kapag nakita mo na totoo pala lahat ng tanong mo.
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Hinayaan ko silang makalayo sakin, hinayaan ko silang saktan nanaman ako, hinayaan ko na maging masaya sila at ako ito ngayon nasaktan nanaman nila. Sila nanaman ang panalo, ako nanaman ang talo.
"Millet! Ano ba nangyari sayo?" Nag aalalang tanong sakin ni Ken
"H-Ha? Ah.. Akala ko naiwan ko camera bag ko sa airport" paliwanag ko dito
"Tahan na" sabi nito at tsaka ako inakap ng mahigpit
Hindi ko kayang sabihin kay Ken. Hindi ko kayang sabihin sa kanya na iniwan ko siya ng ganun kabilis para lang makita si Marco.... Ang sama sama kong tao kapag pinaalam ko sa kanya na kaya kong wag siyang pansinin at iwanan para lang makita kung si Marco ba talaga yung lalaking nakita at narinig ko sa museum.
Ito na siguro yun? Ito na siguro yung closure na hinihiling ko. Sana lang pagtapos nito maging okay na ko. Magiging masaya ako at magiging okay na ko para sakin, para kay Ken. Magiging masaya ako.
