Another Unexpected Night

88 7 0
                                    

Millet's POV

"Kitang kita ko yung mukha niya nung makita niya yung anak niya... Ang saya saya niya" pinilit kong ngumiti at tsaka ko pinunasan ang luha ko

Nasa park kami ngayon at nagtatago sa isang lumang playground. Hindi niya ko sinisigawan ngayon o inaasar. Nakakatuwa dahil nandito lang siya sa tabi ko at nakikinig sa sinasabi ko.

"Bakit hindi niya kayang gawin sakin yun? Dahil ba hindi ako anak na lalaki?" Tanong ko dito at tsaka siya tinignan

"Sa totoo lang... Hindi ko rin alam ang isasagot ko sayo. Ano naman ang masasabi ng isang taong hindi nakaramdam ng pagmamahal sa sarili niyang mga magulang?" Ngumiti ito at tsaka tumingala

"Sorry... Hindi ko alam" sabi ko dito pero hindi nawawala ang mga mata ko sa pag tingin sa kanya

"Masuwerte ka pa nga at nakikita mo sila kahit na biglaan o patago eh... Ako kasi wala na talaga eh. Magaling magtago" tumingin ito sakin at tsaka ngumiti "Wag kang malungkot, kasi marami naman nagmamahal sayo" ngumiti ito ng mapait at tsaka tumingin sakin

Nakita ko ang mga luha na nangingilid sa mga mata niya. Alam ko malungkot din siya ngayon, alam ko na nararamdaman niya rin ang nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung anong nagtulak sakin pero bigla ko na lang hinawakan ang pisngi niya at dahan dahan kong inilapit ang mga labi ko sa labi niya.

"Millet"

Parehas kaming napalingon ni Marco sa taong nagsalita. Agad akong napatayo nang makita ko si Ken na pawis na pawis at naka tingin samin dalawa.

"H-Hinabol kita akala ko kung anong nangyari.... M-Mukhang okay ka naman" pilit itong ngumiti at tsaka tumalikod samin at nagsimulang tumakbo paalis

"Ken sandali!" Habol ko dito

Pero nagulat ako nang hawakan ng mahigpit ni Marco ang kamay ko. Agad akong napalingon sa kanya.

"Sino ba talaga.... Sino ba talaga samin ang gusto mo?" Tanong nito sakin

Hindi ako maka sagot sa kanya. Oo, gusto ko siya at crush ko naman si Ken. Kung noon niya ko tinanong mabilis ang isasagot kong siya ang gusto ko. Pero ngayon hindi ko alam kung bakit hindi ako makapag salita.

**********
Marco's POV

Hindi siya makasagot, hindi siya makatingin sakin. At ang sakit sakit pala sa dibdib kapag wala kang nakuhang sagot... Yung sagot na gusto mong marinig mula sa kanya.

"Stay here, kakausapin ko siya" sabi ko dito at tsaka ako tumakbo sa direksyon kung saan tumakbo si Ken

Hindi naman ganun kalayo ang pinuntahan niya. Agad ko siyang nakita sa may dulo kung saan may malalaking bato na puwedeng upuan at may magandang view rin.

"Ganun mo ba siya kagusto para maging ganyan ang reaksyon mo?" Tanong ko dito at tsaka ako umupo sa tabi niya

"Weird right?" Ngumisi ito at tsaka tumingin sakin "Parehas nanaman tayo ng gustong babae"

"Palagi na lang ba tayong ganto?" Tanong ko sa kanya

"Siguro... Pero sinisiguro ko sayo ngayon na hindi ako magpaparaya" tumingin ito sakin at inilahad ang kamay niya "May the best man win?" Tanong nito sakin

Ngumiti ako dito at tsaka ko siya kinamayan. Importante sakin si Ken dahil siya lang ang totoong kaibigan ko pero hindi ko susuko kay Millet kahit na anong mangyari.

"Bukas, pupuntahan namin ni Millet yung address ni Serafin Crisostomo at Lourdes. Naalala mo pa sila?" Tanong sakin ni Ken


"Ang kauna unahang nagkapalit dahil sa tulay?" Tanong ko dito


"Oo, pag nahanap namin sila malalaman na natin kung paano kayo mababalik sa dati" ngumiti ito at tsaka tinapik ang balikat ko


"Sige sasama ako"

Ngumiti ako at tsaka huminga ng malalim. Sa totoo lang natatakot ako, natatakot ako na kapag nakabalik na kami sa dati naming katawan makalimutan niya na ko.

"Nasan si Millet?" Tanong niya sakin

"Naiwan dun, sabi ko kasi kakausapin kita" sabi ko dito


"Pano? Balikan ko na yung ka date ko ah? Next time na lang kayo magkita kapag nauna kang mag aya" tinapik nito at tsaka naglakad palayo sakin

"Ken" tawag ko dito


"Bakit?" Tanong nito


"Mahal mo na ba siya?" Tanong ko dito


"Alam ko mahirap paniwalaan... Pero mahal ko si Millet... Mahal ko siya Marco" sabi nito at tsaka muling naglakad palayo

Sapat na sakin malaman kong mahal mo siya. At least kung hindi man ako ang piliin niya... Alam kong mamahalin mo siya ng totoo.


Note: Vote and Comment guys!

Switched by GIUSTINA93 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon