One on One

14 1 0
                                    

MILLET'S POV

"Nung unang araw sobrang hirap niyang kausapin. Sobrang sungit niya lalo pa na parang back to zero lahat para sa kanya. Sinabi namin na Marco ang name niya pero palagi siyang nagwawala everytime na babanggitin namin ang name niya. Hindi kami umuusad halos everyday kailangan paalala namin sa kanya ang name niya then nag isip kami na what if palitan namin name niya baka sakali then yun nagkaroon ng progress. Pero habang tumatagal lalo siyang nagiging attached.... Hanggang isang araw sinabi niya na hindi niya na gustong maalala nag past niya kasi mas importante sa kanya ang future. Sorry, Millet. Alam ko its a selfish decision and alam ko na dapat pinilit namin siya at dapat pinaalala namin sa kanya"











"Inalagaan mo siya. Hindi mo siya sinukuan, andyan ka nung mga panahon na wala ako para sa kanya." Tinignan ko kung san nandun si Marco na kinakausap ni Cha






"I'll let him go"





Napalingon naman ako kay Nancy na nakatingin kay Marco.





"Alam ko na walang wala ako" ngumiti ito at tsaka tumingin sakin "He'll remember you, Millet. Mahal ko siya pero he was never mine in the first place"









"Nancy" tangi kong nasabi dito







"Sorry... Sorry kung naging selfish din ako at pinili kong mahalin siya kahit alam ko na may nag aantay sa kanya"








"Wala kang kasalanan" tangi kong nasabi dito





"Kapag naalala ka niya... Maaalala niya kung gaano ka niya kamahal. Ako? Magiging happy ako kasi kahit papaano, kahit saglit lang. Naramdaman ko kung paano siya magmahal"








"Hindi.... Hindi ko hihiwalayan si Ken" tangi kong nasabi








Napatingin naman ito sakin na parang nagulat sa sinabi ko.






"Ikaw na ang mahal ni Marco, wala na kong puwang sa puso at isip niya." Ngumiti ako dito at hinawakan ang kamay niya "Alagaan at mahalin mo siya" bilin ko dito







"Bakit mo itutuloy ang pagpapakasal mo kay Ken?" Tanong nito sakin






"Wala naman sigurong mas sasakit pa kung hindi araw araw mo iparamdam at ipakita sa kanya na kahit anong gawin niya hindi mo siya mamahalin" ngumiti ako ng mapait dito at tsaks siya tinignan "Gustong gusto ko iparamdam sa kanya yung sakit eh"






"Hindi maganda ang paghihiganti" pinunasan nito ang luhang tumutulo sa mga mata ko





"Hindi ako magsisinungaling... Yung ang gusto kong gawin... Gustong gusto ko siyang saktan" natigilan naman ako nang makita kong papalapit si Marco samin






"S-Sinabi ni Cha sakin lahat" nauutal at hindi makatingin na sinabi samin





"Alam mo na kung sino si Millet sa buhay mo?" Tanong ni Nancy dito






"Nans" pagmamakaawa nito kay Nancy at tsaka hinawakan ang mga kamay nito








Masakit... Pero sa totoo lang? Tanggap ko. Nakita ko sa mga mata nila. Nagmamahalan silang dalawa.






"Marco" tawag ni Nancy dito






"Timothy!" Sigaw nito at tsaka tumingin kay Nancy "Timothy ang pangalan ko at hindi ko kayang iwan ka" sabi nito kay Nancy






Switched by GIUSTINA93 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon