Millet's POV
"Babe? Ok ka lang ba? Kanina ka pa walang imik?"
Napatingin ako kay Ken na parang alalang alala sakin kaya naman ngumiti ako dito at hinawakan ang kamay niya.
"Okay lang ako, puyat lang siguro ako kaya natutulala" sabi ko dito at tsaka inayos ang gamit ko
"Sure ka? Millet alam ko naman na naguguluhan ka ngayon eh. Babe, ako naguguluhan din.. Natatakot" bulong nito sakin habang lalong humihigpit ang hawak sa kamay ko
"Babe, ano ka ba? Wag ka kabahan o matakot kasi kahit anong mangyari ikaw. Ikaw ang pipiliin ko." Humarap ako dito at tsaka siya inakap "Mahal kita okay?"
"Mahal na mahal din kita" sabi nito at tsaka ako inakap ng mahigpit
Si Cha? Hindi ko siya tinawagan o pinuntahan dun sa inilagay niyang number at address sa papel. Ayoko na. Tapos na ang chapter namin ni Marco o Timothy. Masaya na rin naman siya sa bago niyang girlfriend. Siguro okay na yun at validation na tapos na kaming dalawa at move on na.
"Good morning"
Napatingin naman kami ni Ken sa taong bumati samin. Naka ngiti ito at tsaka tumingin sa babaeng kasama niya.
"Girlfriend ko nga pala si Nancy" pakilala niya dito
"Hi, good morning" naka ngiti nitong bati samin
"Hi" sabi naman ni Ken at tsaka nakipag kamay dito "This is Millet, the official photographer. My fiancé" pakilala sakin ni Ken
"Wow, congrats" na excite na sabi naman nito at tsaka tumingin sakin at inoffer ang kamay niya "Hi, Millet" sabi nito sakin at tsaka ako nginitian
"H-Hi" sabi ko naman dito at tsaka siya kinamayan
Sa totoo lang. Ang gaan ng loob ko sa kanya. Halatang mabait siya... kaya siguro ang bilis nahulog ang loob ni Marco sa kanya.
"Dun muna kami. Baka nakaka istorbo na kami" sabi naman ni Marco.. Timothy at tsaka niya inaya si Nancy papunta sa upuan niya
"Nice meeting you again" sabi naman ni Nancy samin at tsaka sumama kay Marco
Nakita ko naman na binati niya si Cha na naka upo din doon. Nagtatawanan sila at nagbibiruan. Bakit nasasaktan ako? Bakit naiinis ako? Yung bestfriend ko.. Bestfriend niya... Yung boy... Yung ex ko... Boyfriend niya.
"Babe, start na?" Tanong sakin ni Ken
"Game" sabi ko naman dito at tsaka siya hinarap at nginitian "Game" pag uulit ko
"Game" sabi naman nito at tsaka ako hinalikan sa noo "OKAY MODELS! READY!" sigaw nito at tsaka pinuntahan yung ibang models na kukunan ko for the shoot.
"Konti na lang Millet... Matatapos mo rin ang project na to" huminga ako ng malalim matapos kong kausapin ang sarili ko at tsaka humarap sa mga models at tinuruan sila kung paano mag posing
TIMOTHY'S POV
"Ang ganda ni Millet no?"
Napatingin naman ako kay Nans na nakatingin kay Millet na sinisimulan ng mag shoot.
