Marco's POV
Hinawakan ko ang kamay niya pero inalis niya naman agad. Ano problema ng babaeng to? Diba siya nagsabi na mag UN na kaming dalawa?
"Ako unang hahawak ng kamay mo, baka sabihin nila easy to get ako" bulong nito sakin
Huh? Easy to get? Bakit naman siya magiging ganun? Ang labo naman ng babaeng to. Kung di ko lang talaga mahal tong babaeng to.
"Anong tingin yan?" Tanong nito sakin
"Bakit ka naman magiging easy to get?" Tanong ko sa kanya
"Ikaw kaya nasa katawan ko. Tapos maka hawak ka sa kamay ko wagas" bulong nito at tsaka nag pout
"Alam mo cute ka sana kung nasa katawan mo ikaw mag pout. Kaso pag dating sakin parang medyo..."
Napahinto naman kaming dalawa at tsaka parehas na natawa. Hinawakan niya ang kamay ko at tsaka ngumiti.
"Ganito pala pakiramdam ng mga lalaki" ang saya saya
"Sana bumalik na tayo sa dati" sabi ko dito at tsaka nilaro ang mga kamay niya
"Namimiss ko na rin sarili ko" natigilan ito at tsaka tumingin sakin "MARCO! BINABALAAN KITA AH! HINDI PORKET TAYO NA PWEDE MO NG TIGNAN BODY PARTS KO" sigaw nito habang namumula
"H-Hoy! Di ko tinitignan to!' Sabi ko dito at tsaka umiwas ng tingin sa kanya
"Bakit pulang pula ka!" Sigaw niya sakin
"Eh kung ano ano mga iniisip mo eh!" Reklamo ko sa kanya
"Tapos na ba kayong maglandian?"
Agad naman kaming napatingin kay Cha na blanko ang tingin samin na parang inip na inip.
"Serry" sabi ni Millet
"Ayusin mo naman baka may makarinig sayo sabihin bakla ako" reklamo ko dito
"Parang may mali naman sa sinani ni lola eh" sabi bigla ni Cha "Sabi ni lola kapag nagmahal ng wagas babalik na kayo sa dati, unless isa sa inyo ang hindi nagmamahal ng wagas" sabi nito at tsaka tumingin samin dalawa
"Marco"
Parehas naman kaming napatingin ng marinig namin ang boses ni Ken. Halatang wala itong tulog at pagod na pagod.
Ako... Ako ang may kasalanan. Inagaw ko nanaman ang babaeng gusto niya, ang selfish selfish ko pag dating sa pag ibig. Pero anong magagawa ko kung mahal ko rin si Millet. Kaya rin siguro hindi kami bumabalik ni Millet sa katawan namin kasi may nasasaktan kami.
"Ken" tawag ko dito
"Pwede ka bang makausap?" Tanong nito
Millet's POV
"Bes, feeling mo ba hindi wagas yung samin ni Marco?" Tanong ko kay Cha
Nahalata ko na parang nagdadalawang isip si Cha samin. Ngayon naman si Ken at Marco nag uusap sa labas.
"Bes, sorry kung na offend ko man kayo kanina pero kasi diba dapat by now bumabalik na kayo sa katawa ninyo?" Tanong nito sakin
"Malay mo tinetest pa lang kami nung magic" naka ngiti kong biro dito
"Sana nga talaga totoo si Marco sa feelings niya sayo. Miss na kita rin kita bes, ang hirap kaya kasama ng beastmode mong boyfie" loko nito sakin
Mahal ako ni Marco, ramdam ko yun... Mahal niya ko.
Marco's POV
"Is there any problem?" Tanong ko kay Ken
"Nakausap ko si lola" sabi nito sakin
"Oh? Kamusta? May iba pa daw bang ways para makabalik kami ni Millet sa normal?" Tanong ko dito
"Sabi ni lola, habang tumatagal na hindi kayo nakakabalik sa dati niyong katawan mas lalong bababa yung chance na makabalik pa kayo" sabi nito at tsaka ako tinignan "Alam ko mahal mo siya, pero kung wagas yun sana nakabalik na kayo ngayon sa katawan ninyo"
"Mahal ko si Millet" pagmamatigas ko dito
"Then prove it Marco" sabi nito sakin at tsaka ito lumapit sakin "Sacrifice" tinapik nito ang balikat ko at tsaka ako iniwan
Sacrifice? Yun na lang ba talaga ang tanging paraan para makabalik kami sa dati? Parang ang gulo naman ata. Parang ang labo. Hindi ba pwedeng magmahalan lang kaming dalawa ng wagas?
"Miss ko na nga makabalik sa dati tapos makita mga prof natin. Yung stress sa plates nakakamiss na rin ah"
Napangiti ako nang marinig ko si Millet na magkwento kay Cha tungkol sa mga balak niya kapag naka balik na kami sa normal.
"Naku bes, sabihin mo diyan kay Marco bilis bilisan ang pagmamahal sayo ng wagas para makabalik na kayo"
Natigilan naman ako nang marinig ko ang sinabi ni Cha. Ako ba talaga? Hindi ba ko nagmamahal ng wagas kaya hanggang ngayon hindi pa kami nakakabalik sa dati ni Millet?
Kailangan ko ba talagang mag sakripisyo para makabalik na kami?