Expect the Unexpected

119 8 0
                                    

Millet's POV

"BREAK! Mag break muna tayo" sabi ng photographer samin at sa tauhan niya kaya naman agad akong nagpunta sa tent para magpahinga muna

Nasa tagaytay kami ngayon may shoot kaya naman medyo pagod na ko dahil kanina pa ko walang tulog.

"Pagod ka na ba?" Tanong sakin ni Ken at tsaka ako tinabihan

"Medyo, pero masaya naman eh" sabi ko dito at tsaka siya nginitian

"Here"

Tinignan ko naman ang inaabot niya sakin. Kape at cookies kaya naman agad ko tong kinuha at kinain.

"Kamusta naman kayo ni Mar.. ni Millet?" Tanong nito sakin at tsaka ngumiti

Kailangan kasi namin magsanay na kapag nasa labas kami ako si Marco at si Marco si Millet. Nakaka hilo pero kailangan eh.

"Okay naman kami, hindi na kami nag aaway ng kagaya dati" sabi ko dito

"Mahalin mo ko"

Agad akong napapa ngiti kapag naaalala ko yun pero nawala rin naman agad ang iniisip ko ng marinig ko ang boses ni Ken na tinatawag ako.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya

"Ang sabi ko po mamaya samahan mo ko lumabas tayo" ngumiti ito at tsaka lumabas ng tent

Napa ngiti na lang ako kasi nakakatuwa ang kabaitan ni Ken. Kung gusto niya talaga ako siguro... ang suwerte suwerte ko kung kami.

"Tama na ngiti aba"

Agad akong napa lingon nang marinig ko ang boses niya. Naka sandal siya malapit sa may tent at tsaka naka tingin lang sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya

"Masama bang pumunta ng tagaytay?" Tanong nito at tsaka pumasok sa loob ng tent

"Akin yan!" Reklamo ko ng kainin niya yung cookies na bigay ni Ken

"Wala pa kong kain" naka simangot nitong reklamo sakin

"Eh bakit kasi di ka na muna kumain bago ka dumeretso dito?" Naiinis kong tanong sa kanya

"Eh kasi gusto agad kitang makita" sabi nito at tsaka tumingin sakin

Ano sabi niya? Di ba ko nabibingi? OMG! Totoo ba ang narinig ko?! Tama ba ito??

"Puwedeng kumurap" sabi nito at tsaka hinipan ang mga mata ko

"Tsk! Tse" tangi kong nasabi dito at tsaka siya inirapan

"Di ka pa ba matatapos?" Tanong nito sakin

"Malapit na" sabi ko dito

"Good" tumatango tango nitong sabi


"Bakit?" Tanong ko sa kanya

"Kasi aalis tayo" sabi niya at tsaka tumayo


"Pero may lakad kami ni Ken" sabi ko dito


Bigla naman siyang napatingin sakin pero agad din naman umiwas ng tingin. Nakita ko yung pag simangot niya at tsaka lumabas ng tent.


"Anong problema nun?" Tanong ko sa sarili ko at tsaka sumunod sa kanya


"Ready? Para maka alis na tayo" naka ngiting salubong sakin ni Ken

Switched by GIUSTINA93 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon