Millet's POV
"Baby? Asan ka na?"
"Ito na oo ito na malapit na po"
"Miss na kita... Bilisan mo na"
"Asus naglambing nanaman ang fiancé ko oh"
"Bilisan mo na po please? Miss na talaga kita and andito na talaga lahat sila. Super late ka na talaga"
"Lingon ka"
"Baby!" Tumawa ito at tsaka ako sinalubong at inakap ng mahigpit "Namiss kita"
"Namiss din kita kahit two days lang tayong nagkahiwalay" biro ko dito
"Babe, andito na clients natin from Singapore" bulong nito at tsaka hinawakan ang kamay ko at sabay kaming lumapit sa client namin
"Hi po naku sorry pinag antay ko kayo" sabi ko sa kanila nang makarating kami sa table
"Its okay Millet right? Nilibang naman kami ng fiancé mo kakakuwento tungkol sayo" biro nito sakin
"Naku sana naman po puro magaganda narinig ninyo" biro ko din sa kanila
"Naku, Ken totoo pala sinabi mo samin na comedian itong future wife mo" natatawang biro samin
"Kaya nga po ako na inlove ng husto dito eh. Anyways, Millet si Mr. Francis and Mrs. Marie Santos" pakilala ni Ken sa mga clients namin
"Hello po. Nice meeting you and sana po maging smooth ang work natin together" bati ko sa kanila
"Ikaw ang number 1 photographer kaya alam namin na di kami nagkamali sayo." Puri naman nito sakin
"Naku thank you po" nahihiya ko naman na sabi sa kanila
"Ano po ba ang papagawa ninyo?" Tanong naman ni Ken
"Well, magkakaroon ng big event sa Singapore and imbitado ang lahat ng malalaking businessmen from Singapore and also Philippines" sabi nito at tsaka tumingin sakin "At gusto namin na team niyo ang humawak nito" pagpapatuloy niya
"Ilang araw po?" Tanong ni Ken
"2 weeks... Hindi naman kami makaka istorbo sa wedding plans niyo diba?" Biro ni Mr. Santos
Sabay naman kaming natawa ni Ken at nagtinginan.
Its been 4 years.. 4 years na hindi umalis sa tabi ko ang lalaking to. Ang lalaking nagmahal sakin ng lubos. Ang lalaking hindi ako iiwan kahit na anong mangyari.
"Next year pa po kasal namin. Gusto kasi namin special talaga" sabi ni Ken habang hawak hawak ang kamay ko
"Naku, ang swerte swerte naman ni Millet" biro ni Mrs. Santos
Totoo.. Totoo na napaka swerte ko kay Ken dahil hindi niya ko iniwan at pinabayaan. Mahal na mahal niya ko kaya naman unti unti natutunan ko na rin siya mahalin.
Bakit ako mag iintay sa taong iniwanan ako sa ere? Sa taong walang paalam na sasaktan ka pala at kakalimutan. Sa taong pagtataguan ka at mawawala na lang sa buhay mo na parang bula.
"Excited ka ng mag Singapore?" Tanong sakin ni Ken
Maagang natapos ang meeting namin at napagkasunduan na sa Singapore ang susunod na meeting at shooting ng mga teasers.
"Excited ako kasi kasama kita dun" sabi ko dito at tsaka siya inakap "Ikaw na lang natitira sakin Ken"
"Hey. Don't feel bad" sabi nito at tsaka ito nag park at inakap ako "Nandito ako okay? Hindi kita iiwanan at mananatili ako sa tabi mo" sabi nito at tsaka hinawakan ang mukha ko
Si Ken... Si Ken na lang ang meron ako dahil katulad ni Marco, nawala rin ng parang bula si Cha. Hindi ko alam kung anong nangyari o kung magkasama ba silang dalawa. Nagkagustuhan ba sila? Sila ba ang magkasama? Yun parin ang iniisip ko dahil hanggang ngayon gusto ko ng closure samin... Gusto ko ng explanation mula sa kanila at after nun magiging masaya na ko na ang pinili ko si Ken at hindi siya.
"Let's go? Marami pa tayong aayusin" tanong nito sakin
"Opo basta... magdadate parin tayo okay? I demand you to date me" biro ko dito
"Hindi ako magsasawang makipagdate sayo" naka ngiti naman nitong sabi sakin at tsaka ako hinalikan "Mahal na mahal kita" bulong nito sakin.
Swerte parin ako... Swerte parin ako kasi may isang totoong tao na hindi ako iniwan at mahal na mahal ako. Buti na lang nakawala ako, sa taong sasaktan ako ng husto.
BITIN.
UPDATE LATER OR TOMORROW
