The Switched

289 10 2
                                        

Headline: Model, singer actor na si Marco Mendoza kritikal!

News: Marco Mendoza sumalpok ang sasakyan na minamaneho ng isang multimedia arts student na si Millet Tan

NEWS TONIGHT:

Dalawang sasakyan ang nagsalpukan at critical ang parehong driver. Kinilala ang isa bilang si Millet Tan at ang isa naman ay ang kilalang model na si Marco Mendoza. Parehas pang nasa critical na kundisyon ang dalawa at hanggang ngayon ay hindi pa nagigising.

*********

Ken's POV

Agad kong pinatay ang tv matapos kong marinig ang lahat ng sinasabi nila tungkol sa kinasangkutan na aksidente ni Marco. Agad akong naupo sa sofa malapit sa hinihigaan niya at tsaka siya tinignan.

"Sira na talaga ang ulo mo" sabi ko dito at tsaka ngumiti ng parang tanga at bumuntong hininga

"Gumising ka na nga, tingin mo magugustuhan yan ng fans? Ayaw kaya nila ng tulog na model" pang aasar ko dito

Si Marco, bestfriend ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya dahil parang kapatid na rin ang turing ko dito.

**********

Millet's POV

ANO TO? Bakit hindi ako makapag salita? Bakit hindi ako makagalaw? Naririnig ko ang boses ng isang lalaki na parang may kinakauspo. Gusto ko sana siyang kausapin at sagutin pero wala parin akong lumalabas na boses, hindi ko parin mamulat ang mga mata ko...

"Marco? Okay ka lang ba?"

Marco? Si Marco nandito? Pero bakit? Ang huli kong natatandaan nakatingin ako sa billboard ni Marco sa may bridge pero lumalakas na ulan kaya naman agad ko ng pinaandar ang sasakyan ko pero nagulat na lang ako ng may liwanag akong nakita at busina ng sasakyan.., TAMA! 

Agad akong napa upo ng maalala ko ang nangyari sakin. Nahihilo ako at hindi ako makagalaw, medyo naninibago ako at ang bigat bigat ng ulo ko. Ano ba ang nangyari sakin? Patay na ba ko?

"Marco? Are you alright? Thank God gumising ka na!" sigaw sakin ng isang lalaki 

Pero teka? Anong tinawag niya sakin? Tama ba ang narinig ko o nabibingi lang ako sa sinabi niya sakin? Nababaliw na ba ang lalaking to?

"Ha?" halos walang lumabas na boses sa lalamunan ko at hindi ko maibuka ang mga bibig ko

"Hey? Okay ka lang?" tanong niya sakin

Switched by GIUSTINA93 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon