Millet's POV
"Umayos ka naman ng upo para kang hindi babae eh" sabi ko dito kay Marco
"Eh hindi naman talaga ako babae eh" sabi naman nito at tsaka kumunot ang noo
Ano ba to? Bakit ba ang sungit sungit nitong lalaking to? Kinakausap na nga siya ng maayos tapos siya pa tong ang init init ng ulo sakin. Ano bang problema nitong lalaking to?
"Pare, nasa katawan ka parin ni Millet kaya please? Respect her body" sabi nitong si Ken
"Salamat" sabi ko dito at tsaka siya nginitian
"Wow" sabi nitong si Ken at tsaka ngumiti sakin "Alam mo ngayon ko lang nakitang ngumiti ng totoo ang mukha nitong si Marco and thanks to you" sabi nito at tsaka tumingin kay Marco
"At ngayon ko lang nakita ang bilbil sa mukha ni Millet dahil sa simangot nitong si Marco" pang aasar ni Cha kay Marco... Sakin din ata?
"Baka maaga akong tumanda dahil sa ginagawa mong yan" reklamo ko kay Marco
"Hey Ken, ano na ang gagawin natin?" tanong ni Marco kay Ken
"Well, hindi ko din alam dahil hindi ko alam kung anong nangyari sa inyo at wala naman tayong puwedeng mapagtanungan na doctor dahil sa malamang pagtatawanan lang nila tayo thinking we are bunch of crazy people" sabi naman ni Ken habang napapa iling
"So plan a" sabi naman ni Marco
"Hmm... All we can do is pretend na ikaw si Marco at ikaw si Millet hanggat wala pa tayong nagagawa para bumalik kayo sa dati" sabi nito at tsaka tumingin sakin "Millet, puwede ka bang tumira muna sa condo ni Marco?" tanong sakin ni Ken
O_O
"What? Where the hell am I supposed to live?" tanong ni Marco samin
"Edi sa condo ni Millet" sabi naman ni Cha
"Hindi puwede to" reklamo ni Marco
"Edi bibilin natin yung condo na katabi ng condo mo Marco" sabi nitong si Ken
"Yan, good at ako ang matutulog sa condo ko" sabi naman nito
"Hindi puwede, gusto mong mabuking at malaman nilang isang babae ang natutulog sa condo mo?" pananakot ni Ken
"Oh, shit" sabi nito at tsaka humiga na para bang suko na siya
Napatingin naman ako kay Ken na naka tingin din pala sakin at tsaka sabay kaming napangiti at napa tingin muli kay Marco. Yehey nanalo kami over Marco na kanina pa boss na boss ang dating kaka utos samin =_= ganyan pala siya sa totoong buhay.... Ang bossy.
"So? Para hindi makahalata ang mga tao sasamahan mo si Marco at ako naman ang sasama kay Millet" sabi ni Ken kay Cha at pumayag naman itong bestfriend ko
"Alis na" utos naman ni Marco samin
"Tara na Millet" aya sakin ni Ken
Tumayo naman agad ako at tsaka sumunod kay Ken na naglalakad na rin. Ang bilis naman kasing maglakad nito, mas matangkad naman ako sa kanya pero ako napaka bagal maglakad. Napahinto naman siya kaya napahinto rin ako tapos tumingin siya sakin na parang natatawa.
"Sorry ah? Nasanay kasi akong maglakad ng mabilis kasama si Mar... Kasama siya" sabi nito nang malapitan niya ko
"Okay lang.. Tara na" aya ko dito at tska kami sabay na naglakad palabas ng ospital
Pero pag labas na pag labas namin agad na dumagsa ang mga reporters, photographers at fans ni Marco. Bumilis tuloy ng kabog ng dibdib ko dahil sa sobrang nerbyos ko. Inalalayan naman ako ni Ken at kumapit na lang ako sa likuran niya para umiwas sa mga reporters at makukulit na fans hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya.
