Nalilito?

98 7 1
                                        

Millet's POV

"San ba talaga tayo mamamasyal? Ang aga aga natin gumising" tanong ko kay Ken na nagdadrive ngayon

"Bakit pa naging surprise kung sasabihin ko agad sayo?" Tanong nito sakin at tsaka nag chuckle


"Bakit ba tawang tawa ka diyan?" Tanong ko dito


"Eh kasi naman, this is the weirdest thing that ever happened to me. Dating a girl na stock sa katawan ng bestfriend ko" natatawa nitong pag amin sakin


"D-Date?" Tanong ko sa kanya

"Oo, Hindi ko na kasi kayang mag antay na bumalik kayo sa katawan niyo. I want you to know na seryoso talaga ako ang I'm going to prove that" ngumiti ito at tsaka tumingin sakin

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil feeling ko matutunaw na ko sa tingin niya eh. OMG! Yung crush ko gusto akong maka date sino ba naman ang hindi kikiligin nun diba?

"Matulog ka na muna, gigisingin na lang kita mamaya" ngumiti ito at tsaka ako binigyan ng unan

**********
Marco's POV


NOTE: Marco, sumama ako kay Ken ah? Kailangan kong bumawi puro atraso na ko eh. Ingat ka bye :)

"Millet?!"

Huminga ako ng malalim at tsaka ko tinapon ang papel na may sulat niya.

"Millet?!"


"Tsk, ang ingay naman talaga nitong babaeng to" agad akong tumayo at tsaka ko binuksan ang pinto


"Ay, asan siya?" Tanong nito sakin at tsaka pumasok sa loob


"Wala" sagot ko dito

"Asan nga? Siguro naman alam ko diba?" Tanong nito habang nakataas pa ang isang kilay

"Kasama ni Ken, hindi ko alam kung san nagpunta" umiwas ako ng tingin dito at tsaka ako umupo sa sofa


"OMG! Dadalhin na siya dun ni Ken?! Wow! Sigurado ako pag balik nila dito hindi na sila single kundi couple na!" Kinikilig na sigaw nito

"Tss.. Pano mo naman nalaman? San ba niya dinala si Millet?" Naiinis kong tanong dito

"Secret! Pero sure ako na pag balik nila dito masaya na ang bestfriend ko at may love life na siya" sabi nito habang pumapalakpak pa


Bakit ganito nararamdaman ko? Bakit ako naiinis? Ano ba siya sa buhay ko? Siya lang naman si Millet Tan... Si Millet Tan na gusto ko.


"Tingin mo.... Magiging masaya si Millet sa kanya?" Tanong ko dito


*************
Millet's POV


"Hey... Hey... Millet? Andito na tayo"

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Dahan dahan ko rin naramdaman ang lamig pero agad naman akong binigyan ng jacket ni Ken.

Inilibot ko ang mga mata ko para alamin kung saan ako dinala ni Ken at unti unti nag sink in sakin kung nasaan kami.


"OH MY GOD!" Sigaw ko ng makita kong nasa baguio kaming dalawa

"Masaya ako na nagustuhan mo surprise ko sayo" ngumiti ito at tsaka tumingin sa view "Sayang lang coz I can't hold your hand, ang weird naman kasi kung hahawakan ko ang kamay mo eh parehas tayong lalaki ngayon" natatawa nitong sabi sakin

"Gusto mo talaga ako?" Naka ngiti kong tanong dito


"Pangako, gusto talaga kita Millet" ngumiti ito at tsaka tinignan ako sa mga mata "Sana bigyan mo ko ng chance? Bigyan mo ko ng spot sa puso mo?" Tanong nito sakin


Hindi ko naman alam ang gagawin ko. Ang masasabi ko lang ngayon ay napaka saya ko dahil natupad na ang pangarap kong makarating sa baguio at si Ken ang tumupad nun.


"Susubukan ko" tangi kong nasagot dito

"Okay na ko dun, at least you didn't close the door" sabi niya at tsaka muling tumingin sa view


"Maraming salamat sa pag tupad ng wish ko" sabi ko dito at tsaka tumingin sa view

Sana hindi na matapos ang moment na to. Ang ganda ganda ng view at ang saya saya ko ngayon. Maraming salamat kay Ken at natupad ang wish ko.

**********
Marco's POV


Madaling araw na pero wala parin siya. Alam ko wala akong karapatan na magalit, mainis o mag alala dahil wala naman relasyon na namamagitan samin.

Agad akong tumayo at kinuha ang mga gamit ko tapos lumabas ako ng kuwarto kung saan nasa sofa yung kaibigan ni Millet... Si Chin ata? Ah ewan ko sa kanyang maingay siya.

"San ka pupunta?" Tanong sakin nitong kaibigan ni Millet

"I need to go somewhere" sabi ko dito at tsaka ko hinanap ang susi ng kotse


"San nga?" Pangungulit nito sakin

"Kailangan kong mahanap kung sino makakatulong samin para bumalik sa dati naming katawan" sabi ko dito at tsaka ako umalis ng condo


Ito lang ang tamang paraan para matapos na to. Siguro naguguluhan lang ako at siguro kapag bumalik na kami sa totoo naming katawan mawawala na rin ang nararamdaman kong to.


"Tama... Kailangan makabalik na ko sa dati..." huminga ako ng malalim at tsaka ako sumandal hanggat inaantay na magbukas ang elevator

TING


"Oh? San ka pupunta?"

Agad kong minulat ang mga mata ko ng marinig ko siya. Parehas silang kumakain ng cotton candy. tss di naman mahilig sa matamis yan si Ken naniwala ka naman agad?


"San punta mo?" Muli nitong tanong nang hindi ko siya sagutin

"Trying to get rid of you" sagot ko dito at tsaka ako nagsimulang maglakad palayo sa kanilang dalawa

Pag tapos nito siguro naman babalik na sa normal ang buhay namin. Siguro magiging okay na ang lahat at siguro mawawala na tong nararamdaman ko sa kanya.


NOTE: vote and comment guys! Hahaha super busy pasensya na exam kasi hahay

Switched by GIUSTINA93 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon