Marco's POV
"Ilang beses ko bang sasabihin na ayoko ng billboard na yan? Tanggalin niyo yan!" sigaw ko sa mga nagrereport na advertisers sa harapan ko
"Pero sir, mataas ang naging sales ng product at alam namin na dahil yun sa billboard" protesta ng isa sa kanila
"Eh kung umalis kaya ako sa company niyo?" pananakot ko dito
"Siguro mas maganda kung mamaya na lang natin ituloy ang meeting na to" awat samin ni Ken
Tumango naman sila agad at tsaka isa isang lumabas ng conference room. Agad ko naman inangat ang paa ko sa table para makapag relax.
"Bakit ba ang sungit mo ngayon?" tanong nito sakin pero ayoko naman siya sagutin
"Dahil ba sa naka balik na sila?" tanong nito sakin
"Shut up!" sigaw ko dito
"Marco, calm down okay?" sabi naman nito at tsaka ako tinapik sa balikat
Agad naman akong tumayo at kumuha ng isang baso ng hard rum. Sabi ko sa sarili ko hindi ako magiging apektado pero ngayon na bumalik siya at ikakasal na? Bakit ako nagkakaganito?
*FLASHBACK*
"Babalik ako, aantayin mo ba ko?"
"Kaya kitang antayin, kaya kong magtiis at antayin ka"
"Marco, mahal na mahal kita"
*END OF FLASHBACK*
Kasinungalingan, lahat lahat ng yun kasinungalingan. Hindi totoo ang love at kahit kailan hindi na ko magpapaka tanga para sa love.
"San ka pupunta?" tanong sakin si Ken
"Magpapahinga from hell" sabi ko dito at tsaka ko kinuha ang mga gamit ko
"Hey Marco, wag ka masyadong maglalasing" bilin niya sakin
Hindi ko na ito sinagot pa at tsaka nagderederetso paalis ng office. Ito lang ang araw na gusto kong magpahinga at umiwas sa impyernong buhay ko kaya sana naman kahit ngayon lang pagbigyan ako.
**********
Millet's POV
"Hoy bes! San ka nanaman pupunta?" tanong sakin ni Cas nang makita niya kong inaayos ang mga gamit ko
"May mall show si Marco manonood ako" bulong ko dito
"Ha? Hindi ka papasok?" tanong nito sakin
"Shhh!" wag kang maingay baka may makarinig sayo
"Pero pano yung quiz natin?" tanong nito
"Ako na bahala dun, kailangan ko ng umalis at mahuhuli na ko" paalam ko dito at tsaka umakap sa kanila
"Hoy wag kang titigil dun sa bridge ah?! Delikado" bilin nito sakin
Kinawayan ko lang ito at tsaka agad na tumakbo palabas para pumasok ng sasakyan ko at magpunta sa mall show ni Marco.
***********
Marco's POV
"Asan ka? Malapit ng mag umpisa yung show?" tanong sakin ni Ken
"Ilang beses ko bang sasabihin na ayoko ng mag model!?!" Sigaw ko dito
"Lasing ka ba Marco?" tanong nito sakin
"I wont go there!" sigaw ko dito at tsaka siya binabaan
**********
Millet's POV
"Hindi po nakarating si Mr. Mendoza dahil sa emergency pasensya na po" announcement nung manager niya kaya naman lahat kaming fans nalungkot
"Anong nangyari sayo honey, my loves si sweet?" tanong ko habang tinitignan ang flyers na may picture ni Marco
Agad akong sumakay ng sasakyan at nag drive na lang pauwi. Okay lang kaya siya? May sakit? May problema? May umaway? Hay... agad akong nag preno at itinabi ang sasakyan ko.
Napangiti na lang ako nang makita ko ang billboard ni Marco. Bilin sakin ni Bes wag akong hihinto dito pero kasi naman ang guwapo guwapo ng lalaking to eh.
"I love you Marco!!" Sigaw ko at tsaka muling tinignan ang picture nito
*********
Marco's POV
"Umuwi ka na! lasing ka nanaman eh" sermon sakin ni Ken sa phone
"I want that billboard down!" sigaw ko dito
"Marco, tsaka na tayo mag usap kapag nasa katinuan ka na" sabi nito
"No! I want ito down now!" sigaw ko pero bigla ko naman nabitawan ang phone ko sa sahig kaya naman agad ko itong sinugkit sa ilalim at dinampot
"Oh shit!"
BEEEEEP!!!!!!
NOTE: Bitin! hahaha! vote and comment guys!
