Marco's POV
Nasa van kami ngayon papunta sa address nung sinasabi nitong si Ken. Nag rent kami ng van para kasya kami at ang mga gamit namin. Sa ngayon si Cha na kaibigan ni Millet ang nagdadrive dahil kakatapos lang ni Ken tapos sunod ako naman.
"Ang boring naman, ang tahimik niyo" reklamo nitong kaibigan ni Millet
"Ikaw lang naman ang mahilig sa ingay eh" sabi ko dito at tsaka ako tumingin sa may bintana
"Inaantok ka pa ba? Gusto mong matulog muna?" Tanong ni Ken kay Millet
Ngumiti naman si Millet dito at tsaka pumikit para matulog. Si Ken naman ay sinandal ang ulo ni Millet sa balikat niya.
"Ang sweet naman, bagay talaga kayo" kinikilig na sinasabi nitong si Cha
"Hindi sila bagay, tao sila. Pano magiging bagay yan? Mukhang bromance?" Tanong ko sa kanya
"Tse! Bakit ba ang negative mo diyan? Inggit ka lang kasi wala kang maka usap diyan" naiinis na sigaw nito sakin
Pano ako mawawalan ng kasama eh kasama ko nga sila? Timang nitong babaeng to. Tumingin naman ako kay Millet na natutulog parin sa may balikat ni Ken at si Ken naman tahimik lang na nagmamasid sa daan.
Bakit ba hindi ko kayang gawin yung mga ginagawa ni Ken kay Millet? Hanggang tingin na lang ba talaga ako? Si Ken nakapag sabi ng liligawan niyasi Millet pero ako.. Ako hindi ko masabi.
"Malayo pa ba?" Tanong ko sa kanila
"Pag tapos nito nasa los baños na tayo" sagot naman sakin ni Ken
Muli natahimik ang paligid kaya naman tumingin na lang ako sa view para matahimik na rin ako sa pag iisip
***********
Millet's POVNagising ako nang madaan yung sasakyan namin sa lubak. Inilibot ko ang mga mata ko at sa tingin ko medyo malayo layo na ang narating namin.
Si Ken na ang nagdadrive ngayon at si Cha natutulog sa tabi niya sa may harapan. Teka? Diba dapat si Marco ang nagdadrive?
Agad akong lumingon para tanungin si Marco kung bakit hindi siya nagdadrive pero agad ko naman nakita na tulog na tulog siya ngayon.
"Malapit na ba tayo?" Tanong ko kay Ken
"Nagtanong ako kanina, mga isang bayan na lang at nandun na tayo" sabi nito at tsaka ngumiti sakin
Ngumiti rin naman ako dito. May sasabihin sana siya sakin ng bigla naman madaan kami sa lubak. Nagulat na lang ako ng mapasandal sakin si Marco na tulog parin.
"Tibay ah?" Natatawa kong nasabi sa sarili ko at tsaka ko siya isinandal sa balikat ko para makatulog siya ng maayos "May sasabihin ka Ken?" Tanong ko kay Ken
"Wala naman" sagot nito at nagpatuloy lang sa pag dadrive
Matagal tagal din kaming nag byahe at nag tanong tanong bago namin narating ang bahay ni Crisostomo at Lourdes.
"Marco" kinalabit ko ito para gisingin pero sadyang ang lalim niyang matulog
"Tara" aya ni Cha na nagising na at tsaka bumaba ng sasakyan
"Marco" tawag ko ulit dito
"Marco?" Tinapik tapik ko ang mukha nito para magising pero ayaw talaga
"Marco?! Hoy!" Sigaw ko dito
"Inaantok pa kooooo!" Naka kunot noo na reklamo nito at tsaka umakap sakin
