Truth

8 1 0
                                    

Millet's POV

"Sure ka ba? Di mo talaga ako sasama?" Nag aalalang tanong sakin ni Ken




"I guess ito na yung way para makapag usap kami ni Cha" sabi ko dito at tsaka siya inakap "Wag ka mag-alala, kapag kailangan ko na ng back up mo tatawagan kita" biro ko dito



Ngumiti naman ito at tsaka ako inakap ng mahigpit.




"Mahal na mahal kita" sabi nito at tsaka ako nginitian "Basta ah? Tumawag ka kaagad sakin"



Sorry, Ken. Hindi ko alam pero sinusunod ko parin si Cha. Si Cha na pakiramdam ko eh sinaksak ako ng patalikod. Pero ito ako ngayon. Pinagtatakpan siya kay Ken at kakausapin siya.



"Babalik ako agad" sabi ko dito at tsaka siya hinalikan sa pisngi at sumakay ng taxi




Nakita ko naman ang pag kaway ni Ken habang nakatayo parin kung saan ko siya iniwan. Sorry Ken pero pagtapos siguro ng pag-uusap na to. Mabibigay ko na sayo ng buong buo ang puso ko.



Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero ang bilis bilis ng kabog ng dibdib ko. Ganito ba katindi ang kaba ko? Pero, bakit ako kinakabahan?




"We're here ma'am"




Napatingin ako sa coffee shop kung saan gustong makipagkita ni Cha. Agad akong nagbayad sa cab driver at bumaba.




This is it Millet. After nito its really time to move on.




"Millet" bati niya sakin nang tumapat ako sa table kung saan siya naka upo




"Akala mo di ako sisipot?" Tanong ko dito at tsaka umupo sa harapan niya




"Oo" matipid nitong sagot





"Anong kailangan mo?" Tanong ko dito




"Una" sabi nito at tsaka ngumiti sakin "Sorry, yan ang unang kailangan mo marinig mula sakin" pilit itong ngumiti pero sabay naman ang pag bagsak ng luha sa mga mata niya




"Hindi mo alam... Kung gaano kasakit" sabi ko dito at tsaka nagpunas ng sarili kong luha "Hindi mo alam kung gano kahirap ng. Pag-gising mo wala yung bestfriend mo at yung... Yung lalaking mahal mo"




"Bes" tangi nitong nasabi at tsaka hinawakan ang mga kamay ko




"Anong kailangan mong ipaliwanag sakin?" Tanong ko dito at tsaka iniwas ang mga kamay ko "Tapusin na natin to agad please" pakiusap ko dito




Huminga ito ng malalim at tsaka tumingin sa mga mata ko.




"Nung gabing yun... Nung gabing nag crash ang sasakyan... Andun ako" pagkukuwento nito




THIRD PERSON'S POV

*AMBULANCE*




"Millet!" Umiiyak na sigaw ni Cha habang inaayos si Millet ng mga Medics na duguan




"Si... Marco...." Nanghihinang sabi ni Millet kay Cha na ngayon ay nasa tama niya ng katawan "Si Marco... Iligtas mo si Marco..." pag uulit nito kay Cha





Halos nagkakagulo ang lahat dahil sa disgrasyang ito. Agad naman tumakbo si Cha kung saan andun ang sira sirang kotse ni Marco.





"A-Asan po yung isang katawan?" Natatarantang tanong ni Cha sa mga tao pero wala naman umiintindi dito





"Cha!" Sigaw ni Ken kay Cha at tsaka ito nilapitan at inakap upang pakalmahin





Switched by GIUSTINA93 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon