Millet's POV
"Puwede ba kitang ayain na lumabas?" Tanong sakin ni Ken
"Saan?" Tanong ko dito
"Malapit dun oh" turo niya dun sa magandang view ng bundok
"Oh sige ba" naka ngiti kong sabi dito at tsaka muling tumingin sa view
"Pero mas maganda ka parin dun sa view" sabi nito at tsaka ngumiti sakin
Agad naman akong umiwas ng tingin dito dahil sa pag init ng mukha ko. Hindi rin ako maka hinga dahil sa kilig sa sinabi niya.
"Kita tayo mamaya? Antayin kita sa may kotse ah?" Ngumiti ito at tsaka nagsimulang maglakad papasok ng bahay ni lola Lourdes
"Sasama ka?"
"Ay putik!" Agad akong napalingon at nakita ko nama tong si Marco na naka upo sa may malalaking batuhan
"Sasama ka?" Pag uulit niya sa tanong niya
"Oo" sabi ko dito at tsaka ako naupo sa may tabi nito
"Sige, ingat" sabi nito at tsaka humiga at pumikit
Ang weird talaga nitong mamaw na to. Magtatanong tapos tutulugan ako. Usi ba talaga sa kanya ang pagiging weird?
"Stop staring at me" sabi nito at tsaka tinakpan ang mga mata niya
Umiwas naman agad ako ng tingin dito at tsaka ako tumayo para makapag handa na lang sa lakad namin ni Ken mamaya.
"Wag"
Napalingon naman ako kay Marco na hawak hawak ang kamay ko ngayon at pinipigilan ako na sumama kay Ken.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya
"Hindi ba puwedeng.... Dito ka na lang?" Tanong nito sakin
"Hindi puwede, naka oo na ko" sabi ko dito
Nakita ko naman ang pag simangot niya. Huminga siya ng malalim at tsaka dahan dahan na binitawan ang kamay ko.
"Bakit?" Tanong ko dito
"Fine" sabi nito at tsaka tumingin sakin "Pero aantayin kita" sabi niya at tsaka sumandal sa mga batuhan "Aantayin kita dito. Hindi ako aalis dito sa puwestong to hanggat hindi ka bumabalik okay?" Sabi nito at tsaka muling humiga at pumikit
Natawa na lang ako dahil sa sinabi niya at tsaka ko siya tinignan na parang antok na antok.
"Baliw lang ang gagawa nun" biro ko dito at tsaka ako naglakad papasok ng bahay para makapag handa na
Pag pasok ko nandun si lola at nagliligpit ng mga pinag kainan namin kaya naman agad ko siyang nilapitan at tinulungan.
"Lola, mahirap po ba para sa inyo na nagkapalit kayo ni lolo?" Tanong ko kay lola
"Kahit kailan hindi kami nahirapan dahil nagtulungan kaming dalawa at sa ganun paraan nagmahalan kami" ngumiti ito at tsaka tumingin sakin
"Sana po maka balik na ko sa dati kong katawan" nginitian ko ito at tsaka ko inayos ang pinagkainan namin
"Nalilito ka parin ba?" Tanong sakin ni lola
"Po?" tanong ko kay lola
"Kung sino ang mas matimbang, kung sino ang mas karapat dapat at kung sino ang tinitibok ng puso mo. Yun ang mahalin mo" ngumiti ito at tsaka kinuha ang mga plato sa kamay ko "Ako na ang bahala dito, kailangan mo pang ayusin ang sarili mo para sa mga pagsubok mong dadaanan" bilin nito sakin
