The Hot & Cold Man

282 11 2
                                    

Millet's POV

"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong sakin ni Ken at tsaka tumabi sakin

"Hindi eh, iniisip ko siya" pag amin ko dito

"Edi tumingin ka na lang sa salamin para makita siya" biro nito sakin at tsaka inabot ang isang mug na may laman na kape "Talagang matinding fan ka niya nu?" ngumiti ito at tsaka uminom ng kape

"Oo, unang beses ko pa lang nakita ang mukhang to eh minahal ko na siya" pag amin kong muli dito "Kaso hindi ko pa pala siya kilala ng husto.. Napaka sungit niya at sobrang yabang" sabi ko dito

"Kung nakilala mo lang siya noon, sigurado ako mas lalo mo siyang mamahalin" sabi naman nito at tsaka muling uminom ng kape

"Ano ba ang nangyari sa kanya?" tanong ko dito

"Well, Marco used to be a very sweet and caring guy at iisa lang ang minahal niyang babae ever since" pag umpisa nitong mag kuwento

"Sino naman ang babaeng yun? Huhulaan ko, iniwan siya nu?" tanong ko naman dito

"Not exactly, Marco and Valerie used to love each other. Masyado silang inseparable kaya lang isang araw kailangan ng umalis ni Val para mag aral sa ibang bansa leaving Marco.... Nangako sila na mananatili ang pagmamahalan nila pero Marc? Bigla na lang sumuko at kinalimutan si Val, bumalik si Val para kay Marco pero hindi na siya tinanggap nito at mas pinili ang pag momodel then after that? Wala na, wala na kaming naging balita pa mula sa kanila"

Pagkatapos niyang ikuwento yun nakita ko ang isang mapait na ngiti mula sa kanya at pagkatapos nun ay isang mabigat na buntong hininga na para bang...

"Mahal mo rin si Val ano?" tanong ko dito

"Sobra" walang pag aalinlangan na sagot nito "Sobra sobra, kaya ng malaman ko na sinaktan siya ni Marco ng ganun hindi ko napigilan ang sarili ko at nag away kaming dalawa pero in the end... We just decided to let her go" sabi nito at tsaka tumingin sakin

"Sana... Sana lang inantay siya ni Marco nu? Para sana hindi siya cold monster" sabi ko dito at tsaka uminom ng kape

"Ikaw? Anong storya mo?" tanong nito sakin

"Mukha bang interesting ang buhay ko?" natatawa kong tanong dito

"Come on, nagkuwento ako sayo kaya its your turn to share your story" sabi naman nito

Ngumiti ako dito at tsaka ko inilapag ang baso sa lamesa, umayos ako ng upo at huminga ng malalim bago ako nagsimula ng pagkukuwento sa kanya.

"Solong anak ako ng isang businessman, mayaman at makapangyarihan... Hindi masaya na kagaya ng iniisip ng karamihan lalo pa na pinanganak akong isang babae na para sa kanya eh isang patapon lang... Ang mama ko? Nagkaroon siya ng affair, well actually hindi naman affair dahil yun naman talaga ang totoo niyang mahal si tito Luis. Naghiwalay si mama at papa ng malaman nito ang affair niya at pinasama ako na para bang wala siyang kabalak balak na kunin man lang ako kaya ngayon ito ako nakikisama sa isang pamilyang... Isang pamilyang napilitan lang akong isama" ngumiti ako at pinunasan ang luha sa mga mata ko tapos ay tinignan ko siya

"I'm sorry, I didn't mean to.. Akala ko kasi masaya ang background mo dahil napaka jolly mong tao" sabi naman nito at tsaka pinunasan ang luha sa mata ko

*TOK TOK TOK*

"Uhm... Buksan ko lang yung pinto" sabi ko dito at tsaka ako tumayo at binuksan ang pinto

"Let me sleep here" sabi nito at tsaka pumasok sa loob

Wow ah? Napaka talaga nito. Agad ko itong sinundan sa kuwarto kung saan dere deretso siya sa kama at parang batang naka higa.

Switched by GIUSTINA93 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon