Millet's POV
"OMG! Ano to?!"
Bigla akong napadilat nang marinig ko ang maingay na boses ni Cha. Agad din akong napa pikit nang bumungad sakin ang napaka liwanag na araw.
Teka? Bakit may ulap at araw?
"Ano ito?!" Sigaw ni Cha
Agad akong napa upo dahil sa pag sigaw ni Cha sakin.
"Ouch!" Sabay namin na sigaw ni Marco nang magkauntugan kaming dalawa
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya. Teka? Ano nga ba ang nangyari kagabi? Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at nasa garden kami ni lola. Nakita ko si lola na naka ngiti lang samin at si Cha naman na gulat na gulat.
Teka? Anong nga ba ang nangyari kagabi?
*FLASHBACK*
"Uhm.. Matulog na tayo" aya ko kay Marco matapos niya kong halikan
"Dito ka muna" humiga ito at tsaka tumulala lang sa langit
Para naman akong na hypnotize at agad na humiga sa tabi niya. Napa ngiti naman ako nang makita ko ang magandang view ng langit.
"Ang daming stars, ang ganda" sabi ko dito habang tinitignan ang kumikinang kinang na stars
"Mas maganda ka sa stars" sabi naman nito at tsaka ko siya narinig na mag chuckle "Kaya ayokong tumingin sa salamin eh. Di ako maka alis dahil hindi ko maalis ang tingin sayo" tumingin ito sakin at tsaka ngumiti
Hindi naman ako maka tingin ng deretso sakin at iniwasan ko siya ng tingin dahil nahihiya ako at syempre? Kinikilig ako sa sinabi niya.
"Maniwala ka lang.... Totoo lahat ng sinasabi ko" bulong nito at tsaka pumikit
Napa ngiti naman ako nang marinig ko yun mula sa kanya at tsaka ako pumikit para magpahinga dahil napagod ako sa lakad namin ni Ken kanina.
*END OF FLASHBACK*
TAMA! Ganun na nga ang nangyari kagabi. Ang sabi ko pipikit ako para magpahinga pero nakatulog na pala ako sa tabi niya.
"Anong meron?!" Sigaw ni Cha sakin pero hindi ko magawang sumagot dahil na stock ako sa pag tingin kay Marco at ganun din siya
Agad akong tumayo para makapag handa na at maaga kaming aalis para makahabol ako sa shoot.
"Wala bang sasagot?!" Sigaw ni Cha
Natigilan ako nang marinig ko si Marco na bumahin kaya naman agad akong lumapit sa kanya at kinapa ko kung may sakit siya.
"Ang init mo, may lagnat ka" nag aalala kong sabi dito
"Wala, nalamigan lang ako don't worry. Maghanda ka na" sabi nito sakin pero bigla nanaman siyang bumahin at umubo
"Tignan mo, nilalagnat ka" sabi ko dito at tsaka siya inalalayan na makatayo
"Uminom ka na agad ng gamot. May gamot akong dala" sabi ni Cha at tsaka nagmamadaling pumasok sa loob
"What happened?" Tanong samin ni Ken habang naglalakad siya palapit samin
"Nilalagnat si Marco eh" sabi ko dito
"Naku, tatawagan ko ang driver para hatid ka sa bahay. May shoot pa kasi si Millet eh" sabi ni Ken habang kinukuna ang phone niya
"Wag na, puwede bang cancel mo na lang ang shoot?" Tanong ko dito
"What? Hindi puwede ma cancel yun kasi isang araw lang yung shoot na yun for bonus lang kasi" sabi nito sakin
"Cancel na lang... Hindi ko naman puwede pabayaan si Marco sa gantong kalagayan" sabi ko sa kanya at tsaka muling tinignan kung mainit si Marco
"Pero kung cacancel natin yun kailangan silang puntahan personally para hindi nakakahiya" sabi nito habang nakatingin samin
"Mag cocommute na lang kami" sabi ko dito "Salamat" ngumiti ako dito at tsaka kami naglakad ni Marco papasok ng bahay
Alam ko na gusto pa kong kausapin ni Ken pero kailangan ko ng mapasok sa loob ng bahay si Marco para makapagpahinga ito at mabigyan ng gamot.
"Kung kailangan mong mag shoot okay lang sakin" sabi ni Marco nang maka upo siya sa may sofa
"Hindi na, sasamahan na lang kita tutal ako naman ang may kasalanan kung bakit ka may sakit ngayon eh" sabi ko dito
Nakita ko naman na bahagya itong ngumiti at tsaka namula. Napa ngiti na lang ako nang makita ko ang pamumula niya. Nagulat naman ako ng hawakan niya ang kamay ko kaya naman napatingin ako agad sa kanya.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya
"Wag kang magulo" sabi nito at tsaka ito may sinuot sakin na isang bracelet
"Ang cute" sabi ko habang tinitignan ang bracelet na bigay niya
"Ginawa ko yan kahapon. Once na tanggalin mo yan ibig sabihin pinapatigil mo na kong manligaw sayo at ayaw mo sakin" sabi nito at tsaka tumingin sakin at nginitian ako "Kaya please lang, take good care of it" bilin nito
Napa ngiti na lang ako at tsaka umiwas ng tingin sa kanya dahil alam kong ako naman ang namumula ngayon. Tama nga yung nangyari kagabi at hindi panaginip. Totoo siya!
Note: ayun oh hahahaha vote and comment guys!
