First Smile

153 10 2
                                    

Marco's POV

Iminulat ko ang mga mata ko, puro liwanag lang ang nakikita ko at hilong hilo ako na parang umiikot ang paligid pero nawala ang lahat ng yun nang marinig ko ang isang boses.

"Gising ka na?"


Napalingon ako sa nagsalita. Lumapit ito sakin tapos tinitigan ang mukha ko kung gising na ako.




"Akala ko kung ano na nangyari sayo pinag alala mo ko"





"Kailan daw ako makakalabas?" Tanong ko sa kanya




"Agad agad? Di ka naman excited ano? Magpahinga ka kaya muna" sabi naman nito




"Hindi puwede kailangan kong lumabas dito" pinilit kong umupo pero pinigilan niya naman ako




"Hello? May amnesia ka ba? Hindi pa tayo nakakabalik sa dating katawan natin" bulong nito sakin




Napaupo naman ako ng wala sa oras dahil sa sinabi niyang iyon pero namilipit din naman agad ako sa sakit.




"Sinabi na kasing wag makulit eh!" Sigaw nito sakin




"Gising na po pala ang pasyente"




Parehas kaming napatingin sa nurse na pumasok na pala ng kuwarto. Agad itong lumapit sakin at tinignan kung okay ba ko tapos binigyan ako ng gamot para sa pain.




"Bilin po ni doctora na kailangan niyo pong maglabas ng hangin pagkatapos po nun kailangan niyong sabihin samin para irereport namin kay doctora"





"Mag labas ng hangin? Anong... hangin?" Tanong ko sa nurse




"Kailangan niyo pong mag release ng gas Ma'am" sabi naman ng nurse at nginitian ako




"Gas?" Kailangan ba talaga yun?




"Utot"




Napalingon naman ako kay Millet na may napakalapad na ngiti tapos inaangat angat pa ang kilay na talagang nang aasar.



"Mauna na po ako" naka ngiting paalam ng nurse




"Kailangan mo ba talagang sabihin yun?" Tanong ko dito kay Millet




"Eh ayaw mong tantanan ng tanong yung nurse eh" sabi naman nito at tsaka tumayo "Tara mamasyal tayo para naman ma release mo na yan" ngumiti ito tapos hinawakan ang kamay ko para alalayan ako



"Tigilan mo ko" sabi ko dito at tsaka dahan dahan na tumayo




"Opo na, sungit sungit" sabi nito at tsaka kami nagsimulang maglakad




"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya nang makalabas kami ng kuwarto




"Kung saan ka comfortable" sabi niya naman




Paano naman kaya ako magiging comfortable eh halos pinag titinginan kaming dalawa. Saan ba walang istorbo at walang tsismoso at tsismosa?




"Dun na lang siguro sa garden" turo ko sa kanya




"Tara" sabi naman nitong si Millet at tsaka ka naglakad papunta ng garden




**********
Millet's POV



"Ahhhh at last" sabi ni Marco nang makarating kami ng garden




Switched by GIUSTINA93 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon