The Unforgotten Feelings.1

210 9 1
                                    

Millet's POV
"Sunny Side!"

"Scrambled!"

"Sinabi ng sunny side eh!"

"Eh ayoko nga eh, gusto ko scrambled!"

Kanina pa kami nagtatalo nitong si Marco kung sunndy side up o scrambled egg ang lulutuin dahil gusto ko nga kasi scrambled tapos siya pinipilit naman sunny side up niya.

"Edi magluto ka ng sunny side up mo!" Sigaw ko dito

"Edi bumili ka ng itlog mo!" Sigaw naman nito

Parang kagabi lang nakipag kaibigan siya sakin pero ngayon nag aaway nanaman kaming dalawa. Hindi na ata kami maaayos nitong mokong na to eh.

"Hey! Puwede tumahimik kayo?!" Suway samin ni Ken

"Ako ba? Bakit hindi mo pagalitan tong si scrambled girl na to?" Pang aasar sakin ni Marco

"Ewan ko sayo boy sunny side up!" Sigaw ko dito

"Knock it off!" Suway ulit ni Ken

"Hinahanap ko ang solusyon sa problema ninyo kaya please lang? Makisama kayo okay?" Tumingin ito samin para patahimikin kami

"Pano?" Bigla naman tanong nitong si mamaw at tsaka lumapit kay Ken

Agad naman akong sumunod dito kay mamaw at umupo sa tabi ni Ken para maki chika sa kanya at baka sakaling makabalik na kami sa kanya kanya namin katawan dahil hirap na hirap na ko.

"Well, hindi ko alam kung paano mag uumpisa para malaman kung anong kundisyon meron kayo. Pero tinignan ko sa net kung may nangyari na bang ganyan na condition and guess what?" Pambibitin nito samin

"Sabihin mo na!" Sabay namin sigaw ni Mamaw kaya naman natawa na lang si Ken at sinimulan basahin ang article

"Si Serafin Crisostomo at Lourdes Mendrada ay kilala sa bayan nila bilang magkasintahan na hindi mapag hihiwalay ng kahit na ano at sino. Pero ang hindi alam ng karamihan ay meron kakaibang nangyari sa kanila bago sila magkakilala"

"Ituloy mo" utos ko dito

"Bilis" sabi naman ni mamaw

"Sandali ah?" Sabi nama nitong si Ken at tsaka muling nagsimulang magbasa "Bago magkakilala ang magkasintahan ay parehas silang naging sangkot sa isang matinding aksidente na muntik na nilang ikamatay parehas pero himala kung tatawagin dahil nabuhay silang dalawa pero pinipilit noon na si Serafin ay si Lourdes at si Lourdes naman ay si Serafin. Walang sino sa kanilang pamilya o kaibigan ang naniwala at pagkatapos noon ay naging magkasintahan silang dalawa at masasabing purong pagmamahal ang nagbuklod sa kanila." Sumandal si Ken at tsaka tumawa ng mahina

"Ano naman ang connection niyan sa amin?" tanong naman ni mamaw

"Hindi niyo ba nakikita?" Tanong ni Ken samin

"Hindi" sabay naming sabi ni mamaw

"Parehas silang nabangga sa same spot kung saan kayo nagkabanggaan na dalawa and look pinipilit nila noon na nagkapalit sila pero walang naniwala. Maybe they can help us kung paano kayo mababalik sa dati ninyong itsura" sabi ni Ken samin

"Kailangan natin silang hanapin" sabi naman ni mamaw

"Yes, pero bago natin gawin yan kailangan na nati umalis para sa shoot niyo" sabi naman ni Ken at tsaka
isinara ang laptop niya

"Kasama siya?" Tanong ko kay Ken habang tinuturo si Marco

"Oo, gusto kayong kunan ng isang magazine para sa latest issue nila sa magazine" sabi naman ni Ken at tsaka ako nginitian "Nagandahan sila sayo Millet" sabi pa nito

Switched by GIUSTINA93 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon