Switch OFF??

99 9 1
                                    

Millet's POV

"Inaantay mo siya?"

Agad akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Ken, ngumiti ito sakin at tsaka tumabi sa upuan ko. Narinig ko ang pag buntong hininga nito habang nakatingin sa langit.

"Tingin mo... Uulan kaya?" tanong ko sa kanya para maiba ang topic namin at hindi na siya magtanong tungkol kay Marco

"Sa tingin ko nahihirapan na siya sa sitwasyon niyo kaya niya nasabi yun" sabi nito at tsaka tumingin sakin

Hindi ko naman alam ang sasabihin ko dahil yun nga ang iniiwasan kong topic namin. Ngumiti lang ako ng pilit dito at tsaka tumingin sa langit na parang walang narinig.

"Tingin ko uulan, makulimlim eh" sabi ko dito at tsaka ko tinignan ang orasan sa telepono ko

"Nasaktan ka ba?" tanong nito sakin

Hindi ko parin alam ang isasagot ko sa kanya dahil sa ayokong umiyak at ayokong palakihin pa ang topic o issue na yan.

"Siguro iritang irita na siya sakin kaya gusto niya ng malayo sakin... Hindi ko lang kasi maintindihan minsan yang mamaw na yan eh... Minsan ang sarap niyang kasama at masaya pero minsan naman nakaka inis at nakaka sama ng loob ang mga sinasabi niya kaya naman minsan gusto kong itanong kung meron ba siya dahil kung makapagsungit..." hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko at agad kong tinignan ang kalendaryo sa cellphone ko

"May problema ba?" nag aalalang tanong sakin ni Ken

"OH NO!" naisigaw ko nang maalala ko kung anong petsa na

"Bakit?!" Nag aalalang tanong sakin ni Ken at tsaka lumapit sakin

"Kailangan ko siyang hanapin... Diyan ka na muna" sabi ko dito at tsaka ako tumakbo palabas

Kaya pala, hindi ko siya nasabihan na ngayon na nga pala yun... Nakalimutan ko naman kasi dahil wala naman akong nararamdaman.

***********
Marco's POV

"Wala po kaming kilalang nagkabungguan sa tulay na yun eh pasensya na po"

Ilang oras na kong nag iikot ikot sa lugar malapit sa tulay na pinag bungguan namin ni Millet kahit sino aa kanila walang nakaka alam kung sino ang dalawang nagbungguan noon.

"Talaga yatang... Ma stock na tayo sa ganitong sitwasyon" inayos ko ang sarili ko at tsaka ako bamalik ng sasakyan para umuwi

Walang nakaka alam kung ano ang storya sa likod ng tulay na to at wala rin nakala alam ng sumpa o kakaibang kuwento. Bakit ba napaka malas ko? Buti pa yung babae sa balete drive kilala ng lahat eh.

Agad akong naka uwi dahil wala naman traffic at anong oras lang kaya naman naka uwi agad ako.

"Ouch" bulong ko nang sumakit ang puson ko

Ano ba to? Hindi naman nauulit ang appendicitis diba? Pero bakit ang sakit sakit nanaman? Tsk! Hindi ko gusto tong nangyayari sakin.

"Naka uwi ka na pala, kung saan saan kita hinanap" nag aalalang sabi ni Millet na kakababa lang din ng sasakyan niya

"Galing ako dun sa tulay pero wala naman akong napala" sabi ko dito at tsaka ako nagsimulang maglakad

"Okay ka lang? Oo nga pala nakalimutan kong sabihi sayo naa..."

Hindi naman natapos ang sasabihin niya nang bigla na lang akong napa upo dahil nga sa sakit ng puson ko. Ano ba tong nangyayari sakin? Napaka unhealthy naman ng babaeng to at kung ano anong sakit ang nararamdaman.

"Yan, yan ang sasabihin ko.... Period mo na ngayon" sabi nito at tsaka ako tinulungan na tumayo

"Period?" Tanong ko sa kanya

"May regla ka" bulong naman nito sakin

Hindi ko alam pero bigla na lang nag init ang mukha ko nang sabihin niya yun. Period? Period pala tawag sa menstruation at napaka malas ko dahil mararanasan ko siya.

"Tsk! Kailangan na talaga natin bumalik sa dati" sabi ko at tsaka dahan dahan na naglakad

"Wag kang mag alala gumagawa na ng paraan si Ken para makita yung address nung nag sulat ng article about dun sa tulay" sabi niya at tsaka kami sumakay ng elevator

"Ganito ba talaga kasakit?" Tanong ko sa kanya

"Oo, lalo na kapag hindi pa lumalabas ng lubos. Kailangan mong uminom ng soft drink para mabawasan yung nararamdaman mong sakit" sabi nito at tsaka kami nagsimulang maglakad papunta sa unit ko

Hindi naman ako makapag salita dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Para akong masusuka na hindi ko maintindihan at sumasabay talaga ang napaka sakit na puson ko.

"Nandito na kami" sabi niya nang makapasok kami ng unit

"Bes ito hot compress" sabi nung bestfriend ni Millet

"Salamat Cha, ihiga na lang muna natin siya" sabi ni Millet at tsaka ako inalalayan na makapasok sa kuwarto

"Bibili ba ko ng soft drink?" Tanong ni Cha


"Ako na lang" sabi naman nitong si Millet at tsaka tumayo at naglakad palabas pero agad ko naman kinuha ang kamay nito

"Wag kang umalis, dito ka lang sa tabi" paki usap ko sa kanya


Bumalik naman ito sa pagkaka upo matapos siyang matulala ng ilang minuto. Nagulat ako ng pahigain niya ko sa may kandungan niya at tsaka hinawakan ang kamay ko.

"Sorry ah? Ikaw na lang palagi ang nagsa sacrifice dahil sakin. Wag kang mag alala once na makita ni Ken ang makakatulong satin hindi na tayo... Hindi na tayo magkikita pa gaya ng gusto mo" sabi nito at tsaka nito nilagay ang hot compress sa may puson ko

Hindi.... Hindi yun ang gusto kong mangyari. Gusto ko dito ka lang sa tabi ko pero mukhang hindi na ata mangyayari yun dahil si Ken....


Ipinikit ko ang mga mata ko at tsaka pinilit na matulog na lang dahil sa sakit na nararamdaman ko. Sana ganun nga kadali... Sana ganun kadali na hindi na tayo magkikita pero napaka hirap.


NOTE: Ano na ang mangyayari sa dalawa? Sila ba ang meant to be? O may ibang taong naka laan para sa kanilang dalawa? Vote and comment guys

Switched by GIUSTINA93 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon