Ng maalimpungatan ako ay iminulat ko ang mata ko at ipinalibot ito. Napa upo agad ako at napa sapo ako sa ulo ko.
"Arayy ko..." daing ko.
Hangover!
Iginala ko ulit ang mga mata ko at nakita ang tubig doon, kaya agad ko itong ininom at dahan-dahan na tumayo ng mahimasmasan ako.
Nasa Australia naba kami?
Hindi ko maalala ang nangyare kagabe. Ang naalala ko ay uminom lang ako ng wine at nakatulog na ng buong byahe.
Pumasok ako sa banyo para maligo at mag palit ng damit. Habang nagbibihis ako ay naalala ko ang lahat ng nangyare kagabe.
Napa upo nalang ako sa kama at napa awang ng kaunti ang bibig ko.
Oh Ghod!
"Nakakahiya! Ihhhh!!!" mahinang sigaw ko at itinakip ang buong mukha ko sa unan.
Nakakahiya! Ano bang ginawa mo Louise! Gaga ka talaga.
Ng mahimasmasan ako ay agad akong tumayo at nanginginig ang kamay na hinawakan ang door knob. Hinila ko ito at inilibot ang tingin ko.
Nasan ba ako? Nasaan na ang mga kasama ko. Naglakad ako papunta sa hagdan at dahan-dahan na bumaba doon.
Nasaan naba kayo, kinakabahan ako. Naglakad ako papunta sa may dining area at ipinasok ang ulo ko. Nanlaki ang mata ko ng madatnan kong kumakain ang Anim. Hindi ko pinakita ang katawan ko at tanging ulo lang ang isiniwang ko para hindi ako makita.
Nagulat ako ng makita kong nakatingin sakin si Francis at nag tama ang mga mata namin. Napalunok ako.
"Good morning!" sigaw nito.
Nakuha ng lahat ang atensyon nya at tumingin silang lahat sa akin. Nanlamig ang katawan ko at nabalot ng hiya ang buong katawan ko. Ang kaninang ulo kong nakasiwang ay dali dali kong itinago sa pader at Napapikit nalang ako sa hiya.
"Hey, what are you doing? Come on." napatalon ako ng biglang sumulpot si Francis sa gilid ko at nakatingin sa akin.
"N-nahihiya ako," utal kong sabi.
Bumuntong hininga ito at hinawakan ang kamay ko. Tatanungin kopa sana sya ng hilain nya ko papasok sa Dining area.
Tinignan ko sila at nakayuko ako ng makita ang lola ni Jasper. "Good Morning po." bati ko habang nakayuko ako.
"Good morning, iha. Sit here and eat your breakfast." ani ni Lola Lucy, ang lola ni Jasper.
Kanina kolang naalala ang pangalan ni Lola Lucy at para akong masisiraan ng bait ng maalala ko ang ginawa ko ng malasing ako.
Natigilan ako ng bigyan ni Francis ang Plato ko ng pagkain. Pinagmamasdan ko kung paano nya bigyan ng pagkain ang Plato ko, sobrang rami!
"Papatayin mo bako sa sobrang busog." bulong kosa tainga nya.
"You vomited last night and I know your hungry, so eat." ani nya at ngumiti sa akin.
'Nagsuka pako?! Omg.'
Sa hiya ko ay napayuko nalang ako at nagsimula ng isubo ang pagkain na inilagay nya sa plato ko. Pinagmamasdan ko silang lahat at parang may kulang sa hapag kainan.
"Nasaan nasi Jasper?" tanong ko.
"Just like what he say, he's finding Alirah." sagot ni Mhyca.
BINABASA MO ANG
Save You In The Dark
RomanceHindi alam ni Alirah na makakatulong ang isang lalaking nakabungguan lang naman nya. Minsan hindi natin akalain na kung sino pa ang masama ang pakikitungo sakanya eh mabuti padin ang isinusukli neto. Ayaw magmahal ni Alirah pero sa isang lalaking an...