SYITD Chapter 44: (Hospital)

31 0 0
                                    


"Kailangan syang dalhin sa Hospital Mr.Briones."

Pag ka sabi ni Nurse Pia ay agad akong humarap sa mga kaibigan ko.

"Kumuha na kayo ng Kotse bilis! Hihintayin ko kayo sa Exit ng University para daredaretso na papunta sa SSUH!" sabi ko at aligagang ibinalik ang Phone ko.

"Sige bro hintayin ka namin don Tara na!" sabi ni Francis at umalis na silang lahat.

Pag ka alis nila ay agad akong pumasok sa loob at tinignan si Alirah at nanlaki ang mata ko ng may makita akong pultik pultik sa mukha at balat nya kaya agad kong tinignan si Nurse Pia.

"Ano tong sa katawan nya nurse Pia?" nag aalalang sabi ko.

"May Allergy sya Mr.Briones at hindi ko alam kung anong klaseng pagkain o bagay na bawal sakanya kaya kailangan syang dalhin sa Hospital." paliwanag ni Nurse Pia kaya agad kong hinawakan si Alirah sa leeg at nakapa kona mainit sya kaya bumwelo ako para buhatin sya.

Wala walang sabi na agad ko syang binuhat sabay labas sa clinic at nag lakad takbo ang ginawa ko hanggang sa makarating kami sa 1st floor at lakad takbo ulit ang ginawa ko papunta sa Exit ng University at naabutan ko si Johnfred na dala ang sasakyan nya at nasa passenger seat naman si Mhyca na alalang alala.

Ng malapit na kami sakanila ay agad Kong tinignan ang Guard na nag babantay at tinanguan sya kaya tinaas nya ang kamay nya para sabihing pinapayagan nya kami na makalabas kaya agad akong naglakad sa sasakyan ni Johnfred si Mhyca naman ay bumaba ng Kotse at binuksan ang Pinto ng Back seat.

"Pasok na Jasper! Dahandahan lang ah." sabi nya sa akin kaya agad Kong iniupo si Alirah na walang malay at sumunod akong sumakay.

Si Mhyca naman ay sumakay nadin kaya agad Kong inihiga si Alirah sa Balikat ko at tinignan si Johnfred.

"Bilisan mo Bro sa SSUH tayo!" nag aalalang sabi ko sakanya at tinignan ulit si Alirah na dumami lalo ang pulang pultik sa mukha nya.

Kulang nalang ay paliparin ni Johnfred ang sasakyan nya habang ako ay walang pake dahil inaalala kosi Alirah na walang Malay.

Hindi ko namalayan na nasa SSUH na pala kami kaya agad akong lumabas ng sasakyan at walang imik na isinakbit sa kamay ko si Alirah.

Ng maidala nasi Alirah sa Emergency room ay natataranta ako kaya naaglakad ako ng pabalik balik.

Tinignan ko ang mga Nurse na dumadaan sa Harap ko.

"Jasper nasan na ang kapatid ko?!" nag aalalang tanong sakin ni Ate Kristine pero hindi ko ito narinig at pabalik balik ako ng lakad.

"Jasper!?" Nabalik ako sa reyalidad ng isigaw ni Ate Kristine ang pangalan ko kaya agad ko syang hinarapan.

"Ate Kristine?" Nasabi ko nalang.

Save You In The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon