STILL "LOUISE POV" Okay?
—
———————————♥
Hindi pa man pinapatay ng Driver ko ang makina ay mabilis pa sa alas kwatro ang pag baba ko sa Van.
Naglakad ako papunta sa Gate at agad na nag doorbell, lumabas si Manang Josie at agad akong pinagbuksan ng Gate. Yumuko ako at nginitian sya, pumasok na ako sa loob at nadatnan sila Tita Rona at ang dalawa na nakaupo habang tumatawa.
"Hello po, Tita!"
"Hello, Louise hija," ani din ni tita at naki pag beso sa kanya.
Tinignan ko ang dalawa na naka ngiti kaya ngumiti ako at tumabi sa kanila.
"Kayong tatlo wala paba kayong mga nobyo?" tanong ng Mommy ni Jasper.
Umiling ako at yumuko dahil sa hiya.
"Nako tita wag kang maniwala dyan kay Louise, si Francis po nililigawan sya. HIHI," biglang ani ni Mhyca kaya nanlaki ang mata ko.
"Talaga ba, iha?" nagagalak na tanong ni Tita Rona.
Umiling ako. "H-hindi po."
Sinundot sundot ako ng dalawa kaya sinamaan ko sila ng tingin.
"Weh?" ani ni Tita Rona.
"Hindi nga po, tyaka joke nya lang po yon." ani ko.
Habang nag uusap kami ay hindi ko mapigilang maaligaga, hindi ko gusto si Francis. Hindi! Pogi sya pero hindi ko sya type!
"Tikman mo itongg cookies na gawa ni Jasper, Louise." ani ni Tita.
Tinignan ko ang cookies na nasa lamesa kaya tumango ako at kumuha ng isa. Mukhang masarap ito kaya agad kong kinagat yon. Nanlaki ang mata ko dahil sa tamis non na namumuo sa bibig ko.
"Ang sarap!" masayang ani ko.
"Nako, araw- araw gumagawa ng cookies ang batang yon. His always saying that he's baking cookies for Alirah, I feel so sad for Alirah..." ani ni Tita at lumungkot ang mukha nya.
Ngumuso ako. "Naaawa po kami kay Jasper, kase kapag nasa school kami eh palaging nakatulala at may iniisip. Papasok man sya eh naka sunglasses at tinatago ang mga namumugto nyang mga mata,"
BINABASA MO ANG
Save You In The Dark
RomanceHindi alam ni Alirah na makakatulong ang isang lalaking nakabungguan lang naman nya. Minsan hindi natin akalain na kung sino pa ang masama ang pakikitungo sakanya eh mabuti padin ang isinusukli neto. Ayaw magmahal ni Alirah pero sa isang lalaking an...