SYITD Chapter 38:

24 1 0
                                    

*JASPER POV*

Pag ka higa ni Alirah ay agad akong umupo sa Sofa at tinignan sya ng biglang namatay ang ilaw kaya napatayo ako.

"J-jasper?"

"J-jasper n-natatakot a-ako!?" Pag ka sigaw nya ay agad akong lumapit sakanya.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang ilaw at nakita si Alirah na umiiyak kaya agad ko syang hinawakan sa balikat.

"Alirah ano ang nangyare?"

"Alirah?Bakit ka umiiyak?"nag aalalang tanong ko patuloy padin ang pag patak ngmga luha nya kaya tumayo nako.

"Manang!" Tawag ko kay Manang Percy at akmang tatayo na pero hinawakan ni Alirah ang braso ko at hinila payakap sakanya kaya natigilan ako.

"W-wag m-mokong i-iwan J-jasper! Natatakot a-ako huhu!"pag ka sabi nya non ay hinigpitan nya pa lalo ang pag kakayakap sakin kaya lalo akong nagulat dahil parang takot na takot sya.

*Booogshh!*

Nagulat ako sa biglang pag sa pabagsak ng pinto at iniluwa nito si Manang na may dalang mga gamot tubig.

"Alirah iha uminom ka ng gamot mo eto!" sabi ni Manang at binigyan sya ng Capsule at tubig agad naman itong ininom ni Alirah na tuloy padin ang pag patak ng luha sa mata nya.

"Manang bakit po namatay bigla bigla ang ilaw?" Tanong ko Kay Manang Percy.

"May biglang pumatay ng Controllers namin Jasper iho...Hindi ko alam kung sino yon." Kinakabahang sabi ni Manang kaya tinignan ko si Alirah na umiiyak padin kaya nilapitan ko sya at hinaplos ang likod.

"Shh! Tama na ang kaka iyak Alirah." Pag papa tahan ko sakanya.

"Iho pwede bang bantayan mo si Alirah kahit ilang Oras lang?" Tanong ni Manang sakin kaya tumango nalang ako.

"Sige po Manang ako napo mag babantay sakanya." sagot ko at nginitian sya ng kaunti.

"Tyaka pag nakatulog sya wag mong papatayin ang ilaw ah." sabi ni Manang at lumapit sa pinto.

"Manan––" Hindi kona natuloy ang sasabihin ko dahil agad na syang lumabas.

Itatanong ko sana kung bakit?

'Bakit nga ba?'

*sniff*

Ng marinig ko yon ay agad kong tinignan si Alirah.

Save You In The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon