Nagising ang diwa ko ng maramdaman na may nakatabi sa akin at nakayakap pa ito.
Alirah...
Sana panaginip nalang to! Humarap ako habang nakapikit at niyakap sya ng napaka higpit habang nakangiti.
"Alirah..." ani ko at niyakap kopa sya ng mahigpit.
Narinig ko ang pag galaw ng balikat nya at mukhang nagpipigil ng tawa. binuksan ko ang isang mata ko ng mapungaypungay pa pero nanlaki lang ang mata ko at itinulak si Francis na nasa harap ko at tumatawa.
"Anong ginagawa mo dito!" sigaw ko sakanya at tinulak sya uli dahilan para mahulog sya sa sahig.
"HAHA taenang panaginip yan! Hanggang sa pagtulog mo si Alirah padin ang bukang bibig mo!" tumatawang ani nya at tumayo kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Ah Guy's?" napatingin ako sa Sofa at nanlaki ang mata ko ng makitang nandoon sila Louise, Mhyca, Joanna, Johnfred at Sylvester na naka upo sa sofa ko.
Tumayo ako ka agad at tinignan sila. "Hintayin nyo ko sa Living Room." ani ko at itinulak na sila palabas ng kwarto ko.
Panay ang tawa nila sa reaksyon ko lalo na si Francis kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Humanda ka sakin mamaya!" sigaw ko sakanya at sinara ang pinto ng kwarto ko.
Napasandal ako at bumuntong hininga. Nahiya ako! Nakakahiya bwiset bakit ba kasi sila nakapasok sa kwarto ko!?
Naalala kona hindi ko nilock ka gabi yon dahil sa inis ko.
"Bwiset talaga." bulong ko habang umiiling iling pa.
Pumasok ako sa banyo para maligo at nang matapos ako ay minadali kona mag bihis dahil malalate pa kami.
Bumaba ako ng seryoso ang mukha papunta sa Living room. Malayo palang ako ay dinig kona ang tawanan nila. At mukang may pinagtatawanan pa!
"Manang, ang pangit pala ng alaga mo nung bata pa sya HAHA!" biglang ani ni Francis at tumawa kaya sumabay sila.
Kumunot ang noo ko at sinilip kung anong pinagtatawan nila. Nakita ko ang picture ko nung primary palang ako.
Binatukan ko si Francis at kinuha ang picture na nasa kamay nya at ibinalik sa pwesto kung saan nya kinuha iyon.
"Mga gunggong! Pati picture pinagnanasahan nyo!" sigaw ko.
"Aba, kasalanan ba namin na ang CUTE CUTE mo don HAHAH!"
Pinaka diin nya ang salitang yon kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Nung bata ka nga hindi ganyan mukha mo eh, tumutulo pa ang sipon gyan sa ilong mo." ani ni Johnfred na nagpatawa sa kanila.
"Baka gusto mong sabihin ko din ang sa inyo ni Sylvester?" ani ni Francis
BINABASA MO ANG
Save You In The Dark
RomanceHindi alam ni Alirah na makakatulong ang isang lalaking nakabungguan lang naman nya. Minsan hindi natin akalain na kung sino pa ang masama ang pakikitungo sakanya eh mabuti padin ang isinusukli neto. Ayaw magmahal ni Alirah pero sa isang lalaking an...