*Alirah's POV*
"Bess nandyan si Roxxane kasama nya ang mga ka grupo nya." kinakabahang bulong ni Louise.
"Hayaan nyo sila daretso lang ng lakad." sabi ko at nag Simula na kaming bumaba.
Pero ng nasa tapat na namin sila ay humaratng ang mga ka grupo nya kaya tinignan ko sila at puno ng earring ang mga tenga nila at kulay black lahat ang kalorete nila sa mukha kaya napanganga ako.
"At sinong nag sabing papalagpasin namin kayo lalo na 'ikaw'." Sabi ni Roxxane at diniinan ang pag kakasabi nya sabay punta sa harap ko.
"Ano nanaman gagawin nyo?" tanong ko.
"Nag papalakas ka Kay Jasper dahil alam mong gusto ko sya!" Sigaw nya sa akin kaya nagulat ako.
"Pinagsasabi mo gyan?" tanong ko.
"Tanga kaba? Mahal ko si Jasper pero nawawala ang atensyon nya sakin ng dahil sayo! Masyado kang makate!" sigaw nya at sinugod ako kaya napahawak sakin ang tatlo pero hinawakan sila ng mga ka grupo na.
"Ouch! Tigilan monga ako Roxxane nasasaktan ako!" sigaw ko habang hawak ang dalawa nyang pulsuhan dahil nasasaktan ako sa lakas ng sabunot nya sa akin.
"Masasaktan ka talaga sa akin pag hindi mo nilayuan ang Jasper ko! Malandi ka Alirah! Malandi ka!!" sigaw nya at sinabunutan pako ng sobrang lakas kaya nakaramdam ako ng hilo at naninikip ang dibdib ko.
"Bess!" sigaw nila sakin pero patuloy padin ang pag sabunot sakin ni Roxxane.
"Bitawan nyo ang kaibigan namin! Anoba!" sigaw pa nila at pinipilit na kumawala pero hindi nila kaya dahil buong grupo ata ni Roxxane ang bitbit nya.
Ako naman ay nagpupumiglas dahil sobrang sakit na ng ulo ko.
"Bitawan mo ako Roxxane!" sigaw ko at lalo pang nanikit ang dibdib ko sabay kirot nito kaya napahawak ako sa dibdib ko.
"Arggh!" daing ko ng maramdaman ko itong parang pinipiga.
"Boss tama nayan baka mapatay moyan sa sabunot mo HAHA!" Sabi ng isa sa kanila habang patuloy padin si Roxxane sa pag sabunot sakin ako naman ay pinipigilan sya habang hawak ang isa nyang kamay ang isa naman ay nasa dibdib ko dahil patuloy padin ito sa pag kirot.
BINABASA MO ANG
Save You In The Dark
RomanceHindi alam ni Alirah na makakatulong ang isang lalaking nakabungguan lang naman nya. Minsan hindi natin akalain na kung sino pa ang masama ang pakikitungo sakanya eh mabuti padin ang isinusukli neto. Ayaw magmahal ni Alirah pero sa isang lalaking an...