*Alirah's POV*
Habang nag kwekwentuhan sila ay biglang dumating ang dalawa pero busy padin ako sa pagkain ng masarap na Almond Cookies.
Nakikinig lang ako sa mga pinag uusapan nila pero nilalasap ko ang sarap ng pag kain ko.
Habang ngumunguya ay seryoso Kong nilalasap ang Almond cookies ng biglang may dumukwang ng isa kaya napatingin ako kung sino mang kumuha ng Almond Cookies 'ko'.
Ng tignan ko ay nakita ko si Jasper na kinagat ang Cookies kaya sinamaan ko sya ng tingin agad naman nyang nilunok ang kinakain.
"What?" tanong nya sabay subo ng natitirang Cookies sa kamay nya.
"Ewan ko sayo...panira ka ng moment sarap sarap Kong kumakain ng Cookies... Isa kang malaking cookies." Bulong ko sa sarili ko at pinag patuloy ko ang pag kain ko ng Cookies.
"May sinasabi ka?" Tanong nya habang sinisimsim ang Juice.
"Wala." sabi ko at kumakain ng kumain hanggang sa maubos ko ang cookies.
Tinignan ko ang mga kasama ko at nagulat ako ng nakatingin silang lahat sa akin at mukang hinihintay ako kaya sinimsim ko ang tubig na nasa tapat ko at tinignan ulit silang lahat.
"Why?" Tanong ko kaya bumuntong hininga silang lahat.
"Ganyan ka talaga kabagal kumain pag Cookies ang kinakain mo?" tanong ni Jasper.
"Oo." maikling sabi ko at tumayo na.
Sabay sabay naman silang tumayo din at nag ayos kaya tinignan ko sila.
"Tara na sabay sabay na tayong umakyat." sabi ni Francis sabay tingin kay Louise habang nakangiti kila Joanna at Mhyca.
"Osige HEHE." sagot ni Louise habang namumula ang pisngi dahil sa kulay gatas nyang balat ay makikita mo talaga na parang may kamatis ang mga pisngi nya.
"Let's go Guys!"sabi ni Johnfred at nag Simula ng maglakad kaya sumunod ang mga kasama ko ako naman ang nag pahuli at nasa tabi kosi Jasper na panay ang bati sa ibang studyante pero hindi ko nalang pinansin.
Samot sari ang naririnig namin na tilian ng mga babae at bakla pati ang mga lalake ay nakikisigaw din ng pangalan ng Apat.
Sumasabay din ang mga bulungan ng iba pero daretso lang ang lakad ko palabas at ng makalabas kami ay napa buntong hininga ako dahil nakakarindi ang mga tilian sa loob ng Cafeteria.
Ng nasa harap na kami ng Elevator ay iniwas ko ang tingin at tinignan ang mga kaibigan ko.
"Ahm guys mag hahagdan nalang ako." sabi ko.
Agad naman tumingin sakin ang mga kaibigan ko pati si Jasper at ang mga kaibigan nya kaya yumuko ako.
"Bess sa Elevator nalang kasi pls." nakangusong sabi ni Louise.
BINABASA MO ANG
Save You In The Dark
RomanceHindi alam ni Alirah na makakatulong ang isang lalaking nakabungguan lang naman nya. Minsan hindi natin akalain na kung sino pa ang masama ang pakikitungo sakanya eh mabuti padin ang isinusukli neto. Ayaw magmahal ni Alirah pero sa isang lalaking an...