SYITD Chapter 70:

18 1 0
                                    

"Jasper iho! Gising na! Ma la-late kana susmaryosep!"

Nagising ang diwa ko sa sigaw nayon ni Manang Josie. Napahawak ako sa ulo ko ng maramdaman ang kirot doon.

"Paano ako nakauwi Manang?" tanong ko ng mawala ng kaunti ang sakit ng ulo ko.

"Hayy nako Jasper tumayo ka muna at maligo dahil late kana." ani ni Manang at itinulak ako papasok sa banyo.

Hanggang sa pagligo ay inaalala ko ang nangyare kagabe pero parang nabura lahat ng ginawa namin kagabi.

Ang naalala ko lang ay nag order ng nag order si Francis tapos nasuka sila Louise at Joanna tapos ang huli ay may tinawagan ako!

Binilisan kong magbihis ng matapos akong maligo at agad na bumaba. Naabutan ko si Mom na nagkakape kasama si Dad.

Humalik ako sa pisngi nila. "I need to go Mom, Dad. Bye!" nagmamadaling ani ko sa kanila at agad na sumakay sa sasakyan ko.

Pinaharurot ko ito hanggang sa makapag park ako at pinatay ang makina ng sasakyan ko katabi ng kila Francis, Johnfred, at Sylvester.

Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin at halos suntukin ko ang mukha ko dahil mukha akong sabog!

Nag suot ako ng Sunglasses para hindi makita ang mga mata kona parang sa Zombie. Nakakainis!

—————

"Sorry Mrs. Violeta I'm late." nakapamulsang ani ko at agad na naglakad sa likod at umupo sa tabi ng tatlong mokong.

Naka sunglasses din sila pati nadin sila Joanna at Mhyca na mukang inaantok pa.

*Discuss*

*Discuss*

*Discuss*

*ANOTHER PROFESSOR!*

*Discuss*

*Discuss*

*Discuss*

*BREAK!!*

"SHIT!" bulong ko ng makalabas ang huling prof. namin.

Halos wala akong naintindihan sa mga sinasabi nila ni isang sentence dahil pilit kong iniisip kung ano ang nangyare kagabe pati nadin ang pag iisip ko kay Alirah. Tungkol don sa offer ni Roxxane na sumisiksik sa sistema ng utak ko.

"Bro let's go!" aya nila sa akin kaya agad akong tumayo.

Lumapit din sa amin ang dalawa na bagsak ang balikat kaya tumawa ako.

"Oh! Anong nangyare kagabe?" tanong ko.

Tinignan nila ako. Kahit naka sunglasses sila ay kita ko ang pungay sa mga mata nila.

"Hindi namin alam eh. Ang naalala ko lang eh may nag uwi sa amin ni Joanna tapos nabatukan pako kay Manang." kwento ni Mhyca na nagpatawa sa amin.

"Nako bes hindi lang batok ang inabot ko kagabi! Pinatulog pako sa sofa ni Mommy!" nakangusong sumbong ni Joanna.

Save You In The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon