Nakaka apat na akong bote ng beer at wala man lang talab and beer na iniinom namin.Napapikit ako ng tumama sa mukha ko ang malamig at preskong simoy ng hangin.
Alirah...
Kailan kaya kaba babalik para magpaliwanag sakin kung bakit iniwan moko ng hindi man lang nag papaalam sa akin.
Hindi ako susuko kahit na ilang buwan o taon ko pa sya hihintayin... Handa akong maghintay.
Kinuha ko ang natitira kong beer at tinungga ito. Walang talab sakin ang beer nato dahil mas malakas ang tama ng mga alak na iniinom ko noong mga nakaraang araw.
Inubos ko ang beer na hawak ko at inilapag ito sa mini table kung saan nakalagay ang mga beer namin.
"Hey Guy's! Let's go Mang Luke is calling us for snorkeling, he's waiting for us in swimming deck, I'm so exited!" ani ni Louise at tinalikuran na kami at bumaba na kaya tumayo na kaming lahat.
Bumaba kami kung saan ang swimming deck at nadatnan namin silang nag aayos na.
"Ghodd! I miss this Mang Luke! It's been a long years!" exited na ani ni Louise.
"Oo Louise kaya sulitin mo ang pag langoy lalo na pag dating ng mga magagandang isda ngayong araw." nakangiting ani ni Mang Luke.
"Oho Mang Luke kyahh! Let's go girls!"
Pagka sabi ni Louise ay agad silang tumalon kaya napanganga kaming apat na nag aayos.
"Ang batang yon talaga!" ani ni Mang Luke.
Tinignan nya kami at sinamahan sa pag suot ng gears para sa Snorkeling.
Ngumiti ako ng bigyan nya ako ng flipper's."Handa naba kayo mga iho?" tanong ni Mang Luke sa amin kaya tumango kaming apat.
"Osige isa isa lang muna." ani nya at nauna na si Francis kasunod si Johnfred at Sylvester kaya huling huli ako.
Tinignan ako ni Mang Luke at nag okay sign kaya nag okay sign din ako at dahan dahang bumaba sa tubig.
'Ghod! This is amazing!'
Yan ang sabi ko sa sarili ko ng makita ko ang nagkukumpulang mga isda sa harap ko.
Tinignan ko ang mga kasama ko at mukang masaya sila kaya ngumiti ako.
Ngumiti ako ng may kahalong lungkot. Dahil kami lang pito ang nandidito at Hindi kasama ang taong mahalaga sakin.
Tinignan kong muli ang mga isda at lumangoy pabalik sa yatch namin.
Nawalan ako ng ganang lumangoy dahil mag isa lang akong tumitingin sa mga isda habang sila ay nag sasaya.
Umahon ako at umakyat sa deck kasabay non ang pagsalubong sakin ni Mang Luke na nakangiti.
"Bakit napaka dali mong umahon, iho?" tanong nito sakin.
"Hm... Wala ho Mang Luke, mag papahinga nalang po ako sa kwarto namin." pagsisinungaling ko.
BINABASA MO ANG
Save You In The Dark
RomanceHindi alam ni Alirah na makakatulong ang isang lalaking nakabungguan lang naman nya. Minsan hindi natin akalain na kung sino pa ang masama ang pakikitungo sakanya eh mabuti padin ang isinusukli neto. Ayaw magmahal ni Alirah pero sa isang lalaking an...