SYITD Chapter 57:

39 3 2
                                    

*JASPER POV*

♪♪O won't you stay with me
Cause your all i need,
They say love is clear to see
But, Darlin stay with me—♪♪

"Shut up! F*cking radio!" sigaw ko at pinatay ang radio ng sasakyan ko at matulin itong pinatakbo.

Hindi ko alam kung saan ako nakapunta pero isa lang ang gusto kong puntahan.

Si Alirah...

Para akong tanga na nakatingin sa harap ng bahay nila at nakatingin sa balkonahe ng kwarto nya.

Na agaw ng pansin ko ang matandang lumabas sa gate nila Alirah ng ganitong oras at si Lola Lilly yon.

Nahihilo ko syang tinignan habang may kausap sya sa Telepono.

Bumaba ako at naglakad papunta sa gawi nya.

"Hi Lola Lilly." ani ko at ngumiti.

Nagulat ako ng bigla nya akong tignan ng matalim at ibinaba ang telepono na hawak nya.

"Naka inom kaba iho!?" hindi makapaniwalang ani nya at inamoy amoy pako.

"Hindi po ako naka inom Lola Lilly HEHE."

"Anong hindi Jasper iho! Amoy na amoy ko ang alak na lumalabas sa bibig mo, maryosep kang bata ka!" sermon nya sa akin at pinalo ang balikat ko.

"Hindi nga po ako uminom Lola, Onti lang naman yon isang bote at kalahati lang ng Rum at Martini."

Parang wala ako sa sarili ko at umupo ako sa semento at akmang hihiga ng pigilan ako ni Lola Lilly.

"Sasakit ang balakang ko sayong bata ka! Tumayo ka gyan at pumasok tayo sa loob at ng maipag timpla kita ng kape." ani nito at itinayo ako.

Wala ako sa sariling gegewang na naglakad ako papasok sa bahay nila Alirah at ibinagsak ang katawan kosa Couch.

"Ipagtitimpla lamang kita ng kape at ng mahimasmasan ka."

Tumango nalang ako at pumikit.

———————————

"Anak bakit hindi moko tinatawagan? Abat namimiss kona kayo ng mga apo ko."

Save You In The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon