Halos hindi ko namalayan na pumasok ako sa kwarto at nag ligpit ng mga gamit ko.
Babalik ako sa bahay para lang masundan si Alirah.
Agad akong lumabas dala dala ang maleta ko agad naman akong hinarang ng Anim na alalang alala.
"Bro saan ka pupunta?" tanong ni Francis at hinarang ako agad naman akong umirap.
"Babalik nako para masundan si Alirah." mahinahon kong ani at sinubukang lumusot pero agad namang humarang ang iba.
"Hindi! Dito ka lang Jasper! Hindi ka aalis! Sabi ni Alirah i-enjoy daw nating lahat ang bakasyon nato!" sigaw ni Louise.
I smirk at them. "Enjoy? Do you think I'll enjoy this vacation if Alirah is not here? No! So get out of my way and Enjoy your Vacation here! But me I will go back and follow Alirah." ani ko at bununggo silang lahat na naka harang sa dadaanan ko.
"Jasper!"
"Don't go back fucker!"
"Hey Bro!"
Wala akong paki sa mga sinasabi nila at agad na pumara ng Tricycle papunta sa Terminal ng mga Bangka.
Ng makarating ako ay padabog akong bumaba at binayaran ang Manong Driver na pilit ang tawag sakin dahil limang daan ang ibinayad ko pero wala akong pake. Dahil ang nasa isip ko ay si Alirah.
Nag aalala ako sakanya...
Habang bumabyahe panay ay tunog ng Phone ko pero hindi ko ito pansin dahil iniisip kosi Alirah pati ang sinabi nya kagabi sa akin.
Don't worry Jasper I will never do that.
Sana wag kang magalit sakin pag katapos ng gabing toh.
No, I'm not leaving.
Sabi nya hindi sya aalis... Pero bakit iniwan nyako!
Parang may bumara sa lalamunan ko at naramdaman na pumatak mainit na likido sa pisngi ko.
Napahawak nalang ako sa pisngi ko at pinunasan pero wala akong magawa dahil patuloy padin ang pag luha ko.
Bakit nasasaktan ako?
"Sir andito napo tayo sir." Agad akong umiwas ng tingin at tumango habang pinupunasan ang mga luha ko.
Agad akong bumaba ng Bangka. Tinulungan nila akong magbaba ng maleta kaya binigyan ko sila ng Tip.
Kinuha ko ang Phone ko at tinawagan ang Butler kona si Kuya Gino.
BINABASA MO ANG
Save You In The Dark
RomanceHindi alam ni Alirah na makakatulong ang isang lalaking nakabungguan lang naman nya. Minsan hindi natin akalain na kung sino pa ang masama ang pakikitungo sakanya eh mabuti padin ang isinusukli neto. Ayaw magmahal ni Alirah pero sa isang lalaking an...