*JASPERS POV*
Pagka baba namin ay agad akong tinulungan ni Manong driver kaya kinuha ko ang pitaka ko at tinignan si Alirah.
"Magkano ang ibabayad ko?" bulong ko sakanya pero nagkibit balikat lang sya kaya kinuha ko ang limang daan at tinignan si Manong driver sakto naman na dumating ang si Manang at nginitian kami.
"Buti naman at naihatid kayo ng maayos...Eto Manong!" sabi ni Manang at iniabot ang isang daan pero pinigilan ko sya.
"Ako napo Manang." sabi ko at ibinigay ang bayad Kay Manong driver agad nya naman akong binigyan ng sukli pero hindi koyon tinanggap.
"Isang daan lang ho ang pamasahe dito sir." sabi nya sakin dahil ayaw kong kunin ang sukli kaya nginitian ko sya.
"Hindi napo Manong pangdagdag nyo nalang poyan sa kikitain nyo para sa pamilya nyo." sabi ko habang nakangiti.
"Nako sir maraming salamat po!" masayang sabi ni Manong driver kaya ngumiti ako at tumango sabay harap kila Manang at Alirah na naka awang ang labi.
"Tara napo Manang." sabi ko at ngumiti.
"Bakit napaka laki naman ng ibinigay mong pera sakaniya iho?" tanong ni Manang sakin.
"Ayos lang ho yon Manang tulong nadin sakaniya mahirap ho kaya ang maging tricycle driver." nakangiting sabi ko kaya ngumiti si Manang.
"Napaka bait na bata... Tara na sa loob nauna na ang mga kaibigan nyosa loob." sabi ni Manang at sabay silang nag lakad ako naman ay binuhat ang mga maleta at sumunod sakanila.
Tumambad sakin ang simpleng bahay na gawa sa kahoy at mukang presko ito sa loob dahil kahit gawa ito sa kahoy ay may kalakihan ito.
Agad kaming pumasok at naabutan ang mga kaibigan namin na nagtatawanan at dala ang mga sari-sarili nilang luggage.
"Mga bata pasensya na kayo kung ganto ang bahay namin ah." sabi ni Manong Jonas.
"Ayos lang po yun Manong HAHA Masaya naman po eh." sabi ni Louise at nagsitanguan naman ang mga kaibigan ko.
"Osya ang mga babae sa Unang kwarto ah may banig na doon at unan ah pagpasensyahan nyo na dahil wala kaming kama." nakangiting sabi ni Manang Precy kaya nagsitanguan sila at ngumiti.
BINABASA MO ANG
Save You In The Dark
Любовные романыHindi alam ni Alirah na makakatulong ang isang lalaking nakabungguan lang naman nya. Minsan hindi natin akalain na kung sino pa ang masama ang pakikitungo sakanya eh mabuti padin ang isinusukli neto. Ayaw magmahal ni Alirah pero sa isang lalaking an...