SYITD Chapter 51: (PROBINSYA)

26 1 0
                                    

*Alirah's POV*

"Bess gising na aalis pa tayo. uyy!"

Napamulat ako bigla at napaupo ng maalala na nasa Sala pala ako ng makatulog pero nagulat ako ng makitang naka upo ako sa banig na binigay kahapon ni Manang Percy sa amin.

"Good Morning bess!" ani ni Louise na naka ayos na ang sarili.

"Good morning Alirah HEHE." Ani din nila Joanna at Mhyca.

"Morning sa inyo. Pano ako napunta dito?" Tanong ko sakanila at inayos ang buhok ko.

"Ha? Ka pasok namin kagabi dito eh naabutan kana naming tulog kaya natulog nadin kami." ani ni Louise kaya tinignan ko ang dalawa na sabay na tumango.

"Eh naka tulog ako sa Sofa nila Manang kagabi pagka tapos naming nag hugas ng Plato ni Louise." ani ko at tumayo nasa pagkaka upo.

"Tyaka hindi kanaman namin naabutan na tulog sa Sofa na gawa sa kahoy nila Manang Percy Alirah." sabi ni Mhyca at tumayo nadin kaya napahilamos ko nalang ang dalawa kong kamay sa mukha ko at bumuntong hininga.

"Guys bilisan nyo na dyan kakain nadaw." biglang sabi ni Louise na galing sa labas at ngumiti kaya tumango nalang kaming tatlo.

Ng nasa hapag kainan na kami ay panay ang alala ko kung paano akong napadpad sa kwarto dahil hindi naman ako lumipat doon at sa Sofa na gawa sa kahoy nila Manang Percy ako naka tulog kagabi dahil sa pagod.

Napa buntong hininga nalang ako ng ilang beses at nag simula ng kumain na wala sa sarili dahil pumapasok sa isip ko kung paano ako nalipat sa kwarto.

Hanggang sa matapos kami ay wala ako sa sarili pero ng maramdaman kong may kumalabit sakin ay napaigtad ako at tinignan ito.

"Uy! Ang lalim ng iniisip mo ah magbihis kana at aalis nadaw tayo." biglang sabi ni Ate Kristine.

"Okay." tanging sagot ko nalang at tinalikuran na sila para maligo at mag bihis.

Hanggang sa makaligo ako ay iniisip ko kung sino ang naglipat sa akin sa kwarto. Si Manong Jonas kaya? Bahala na basta ang mahalaga eh naka tulog ako.

Nag suot ako ng 'Track Pant na kulay black , NASA distressed tea na pang itaas at pinaresan ng ko SUPERGA 2790 Acotw shoes. At hinayaan na nakalaglag ang may kahabaan kong buhok na hanggang sa siko dahil basa pa ito.

"Handa naba kayo mga bata?" tanong ni Manong na naka long sleeve na kulay blue pati pants nya ay maluwang na parang magsasaka sya pati si Manang ay napaka simple lang ng suot at may dalang Basket.

Save You In The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon