*JASPER POV*
"Po!? Ako ang mag hahatid Kay Alirah sa kwarto nya!?" Gulat na tanong ko at tinignan si Alirah na tulala nanaman.
"Bakit Jasper iho? Sa Guest Room ka naman matutulog ipapahanda ko ang susuotin mo bukas... Jasper paki tignan mo si Alirah ah baka bukas na kami makauwi dahil i papa investigate ko kung sino ang hayop na gustong ipabundol ang Anak ko." Mahabang sabi ni Tito Michael kaya tumango nalang ako.
"Sige po ako napo ang bahala Kay Alirah...Nasaan poba si Ate Kristine?" tanong ko.
"Ayun na nga nung dumating kayo ay kasunod nyo si Manong Jonas na hindi kasama si Kristine kaya tinanong namin ang sabi eh may Project daw sila kaya pinayagan namin nag text din sa akin si Kristine na baka bukas na ang uwi nya." sabi ni Tita Hanneza kaya tumango nalang ako bilang sagot.
"Kung may kailangan ka Jasper iho itawag mo nalang Kay Manang Percy ah mauuna na kami...ipapahatid ko nalang ang susuotin mo ngayon at Bukas pag pasok nyo." sabi ni Tito Michael.
"Sige po mag iingat po kayo Tita Tito." sabi ko ngumiti naman sila at lumabas na ng bahay kaya tinignan ko si Alirah na tahimik at naka tulala agad ko naman syang nilapitan at kinalabit ang braso nya.
"Hoy Alirah! Kanina kapa tulala gyan ah!" sigaw ko at kinuha ang gamit nya na nasa Sofa.
"Tayo na dyan Alirah!" mahinang Sigaw ko tinignan nya naman ako at inirapan sabay tayo at naglakad sa hagdan papunta sa kwarto nya kaya dali dali din akong nag lakad.
"Aba! Hoy Alirah! Hintayin moko!" sigaw ko uli.
Hanggang sa makapasok sya sa kwarto nya at iniwan na bukas ang pinto kaya napalunok ako dahil hindi kopa naranasan na pumasok sa kwarto ng babae pwera nalang sa kwarto nila Mom at Dad.
BINABASA MO ANG
Save You In The Dark
RomanceHindi alam ni Alirah na makakatulong ang isang lalaking nakabungguan lang naman nya. Minsan hindi natin akalain na kung sino pa ang masama ang pakikitungo sakanya eh mabuti padin ang isinusukli neto. Ayaw magmahal ni Alirah pero sa isang lalaking an...