Kinabukasan ay wala akong ganang at buhay na tumayo para maligo at magbihis. Namumugto ang mga mata ko na humiga uli sa Kama ko at naisip nanaman si Alirah.
Nanggilid ang mga luha ko ng maalala ko noong sinagot nya ako.
Pinunasan ko agad ang mga nagbabadyang mga luha sa mata ko ng may kumatok sa pinto ko.
Tumayo ako para pagbuksan at tumambad sakin si Mom na mukang nag aalala pa.
Ngumiti sya sa akin. "May bisita ka sa ibaba." ani nya.
Kumunot ang noo ko at inisip kung may inaasahan ba akong bisita.
Agad na pumasok sa isip ko si Alirah kaya agad akong bumaba ng nakangiti at nawala agad yon ng makitang naka tayo doon sila Francis, Johnfred, Sylvester, Louise, Mhyca at Joanna.
"Good Morning!" bati nila kaya bumaba ako at tinanguan sila.
Mapansuring tinignan ako ni Francis pati nadin ang iba. Nagulat ako ng itinuro nya ang mata ko kaya tumahimik ako.
"Bakit namamaga ang mga mata mo Bro?" tanong nya.
"Oo nga." ani pa nila.
Umiling ako at ngumiti ng tipid.
"It's nothing don't mind it." ani ko sakanila. "By the way did all of you eat breakfast?" pag iiba ko ng usapan.
Hindi naman nila napansin iyon. Pare parehas silang umiling kaya tumango.
"Dito na kayo mag breakfast Manang Josie prepared breakfast." ani ko at naglakad na papunta sa Dining area at umupo na.
Mabilis silang sumabay sa akin at isa isang umupo at magkaka tapat pa sila ako lang ang nasa gitna at parang tatay nila.
Aishhh.
Dumating ang pagkain kaya pinauna ko na silang kumuha ng pagkain nila at sinabi ko na huli na lamang ako.
Bacon, Ham, Itlog, Tocino, Hotdog, Bread at fried rice ang inihanda nila kaya tinignan ko silang kumuha lahat non.
Habang ako ay Hotdog, Bacon, Itlog at tatlong sandok ng Fried Rice lang ang kinuha ko at nag simula na kami ng kumain.
"Let's hangout Guy's." biglang aya ni Louise kaya napatingin sila sa kanya.
"Sure!" ani nilang lahat.
Tinignan nila ako at hinintay ang sagot ko.
"I'm busy." seryosong ani ko at uminom ng tubig.
"Hayss Come on! Sumama kana, bro!" ani nilang tatlo sa akin.
Pati si Sylvester na kumware ay tahimik ay nag ingay din para lang mapasama ako.
Wala akong nagawa at pumayag nalang na sumama sa kanila.
"When?" tanong ko sabay punas sa bibig ko.
Ngumiti sila at tinignan si Francis na tahimik na umiinom ng juice. Napansin nya naman agad na nakatingin sila sa kanya.
"Wag nyong sabihin na sa Bar ko kayo iinom! Tapos ako manlilibre? Aba mga nek nek nyo!" reklamo nito at sumubo ng Hotdog.
Sinamaan sya ng tingin ni Louise. "Gusto mong ipalamon ko sayo tong kutsara ko ng pumayag ka!?" pagbabanta niya kaya tumawa kami.
Agad namang nabilaukan si Francis at dali daling uminom ng juice.
BINABASA MO ANG
Save You In The Dark
RomanceHindi alam ni Alirah na makakatulong ang isang lalaking nakabungguan lang naman nya. Minsan hindi natin akalain na kung sino pa ang masama ang pakikitungo sakanya eh mabuti padin ang isinusukli neto. Ayaw magmahal ni Alirah pero sa isang lalaking an...