SYITD Chapter 75:

25 2 0
                                    

Maaga akong nagising at nag breakfast kasama sila Mom at Dad na panay ang sabi na mag-iingat daw kame.

Tango lang ako ng tango dahil ulit-ulit lang naman iyon. Ng matapos ako ay nagpaalam nako dahil baka nag hihintay na ang anim sa parking lot, bubungangaan nanaman ako ng Francis.

Habang nag mamaneho ako ay iniisip ko si Alirah kung paano akong magsisimulang hanapin siya sa Australia.

Mamaya ay dadaan ako kila Manang Percy para itanong kung nasaan ba talaga si Alirah. Nagbabakasakali ako, kung hindi nila sabihin ay ayos lang sa akin. Nirerespeto ko yon.

Natatanaw kona ang anim na naka tayo na sa harap ng mga sasakyan nila habang nag uusap. Agad akong nag park sabay alis ng seatbelt ko at bumaba nasa kotse ko.

"Let's go, baka parating na ang mga prof. natin," ani ni Louise.

Tumango ako at nag simula ng naglakad.

"Naka pag ready naba kayo ng mga dadalhin nyo?"

"Yes!" ani ng tatlong babae

"Oo, kagabi pa." sagot nila Francis at ng dalawa.

Hanggang sa makarating kami papunta sa Elevator ay pinauna kona silang sumakay at huli ako.

"Mag babaon ako ng snack's mamaya, HEHE." ani ni Louise kila Mhyca at Joanna.

Tumawa si Francis at sumungab sa harap ni Louise habang nakapamulsa at tumawa.

"I-share mo kami ah!" ani ni Francis.

Inirapan ito ni Louise at bumelat sakanya na parang bata. "Anong kami? Silang dalawa lang ang bibigyan ko ng snack's mamaya!" ani niya at tinuro kami ni Sylvester. "Hindi kayo kasama ni Johnfred na baliw!" singhal niya.

"Sure ka?" ani ni Francis.

Tumango siya na parang sigurado at nginitian sila Joanna at Mhyca. Si Francis naman ay tinapik ang balikat ni Johnfred at tinaasan ng kilay.

"Mamaya bibili kami ng Pitong Milktea na madaming pearls, tapos hindi kita bibigyan!" ani nito kay Louise.

Napahawak ako sa noo ko dahil siguradong mag aaway na naman ang dalawang to ng dahil lang sa pagkain.

"Hoy! Wala sa usapan yan." pag rereklamo ni Louise.

Binelatan siya ni Francis. Kaya ngumuso si Louise at lumapit kay Francis at nag puppy eyes.

"Tss Sige, bibigyan na kita." ani ni Francis at umiwas ng tingin kay Louise.

Marupok ang tanga.

Umamin na noon si Francis sakanya pero pabiro lang nga. Ayon nabatukan lang ang loko. Dapat ginaya niya ako noong tinanong ko si Alirah kung pwede ko siyang ligawan, ganon dapat. Mabilis na kung mabilis.

"Kita kita nalang mamaya sa field ah!" ani ni Louise at pumasok nasa room nila ng maka labas at makarating kami sa Room nya.

Save You In The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon