"A-ano?"Parang lalong sinaksak ang puso ko ng marinig ang sinabi ni Ate Kristine. Bawat pikit ng mata ko ay may kasalong luha na nagbabadyang bumagsak.
Magsasalita pa sana si Ate Kristine ng biglang mag ring ang Phone nya, kaya tinanguan ko nalang sya ng tignan nya ako.
Ng maka alis na si Ate Kristine ay ka agad akong tumingin kay Alirah na naka pikit padin, naawa ako sa kanya. Lalo na ngayon na nakikita ko sya sa ganyang kalagayan.
Dahil kay Roxxane nagka ganito sya. Sisiguraduhin kong pagbabayaran nya ang mga ginawa nya kay Alirah.
Wala akong nagawa kundi ang umiyak at hintayin ang ni Alirah. Tinignan ko sya at hinawakan ko ang kamay nya. Ramdam ko ang pagpatak ng luha ko, dahil ito ang pangalawang beses na nahawakan ko ang kamay ng mahal ko.
Hinigpitan ko ang hawak ko dito at yumuko at para halikan ito. "Please, fight for yourself, fight for your family, and fight for me, baby..."
"Napaka daling panahon lang kitang nakasama tapos ganito pa. Wag naman ganito, mahal kita eh. Kaya sana lumaban ka para sa amin at para sa akin..."
"I told myself that your the only girl I want to live forever until I die, I want to spend more time and more days with you... I want you to feel my love, to feel my feelings for you, baby..." umiiyak na sabi ko, kahit na hindi nya naririnig ay nagsasalita padin ako.
Ilang minuto akong nakayuko sa palad nya at hinihintay na gumalaw ang daliri nya, pero hindi man lang kumirot ang daliri nya.
Tinignan ko sya at tumayo ako para halikan ang noo nya kahit na bawal syang lapitan, pero saglitan lang naman iyon.
Biglang pumasok si Ate Kristine kaya napalayo ako ng bahagya at pinunasan ang mga luha sa mata ko. May hawak syang damit panlalaki at pantulog kaya napakunot ang kilay ko.
"Do you want to stay here? I'm not forcing you okay? I'm just asking you if you want--"
"Sige po, ate. Saan ba ang tutulungan ko? Kahit sa sahig nalang ako basta katabi at nakikita ko si Alirah ayos na sa akin." putol kosa sasabihin ni Ate Kristine at kinuha sa braso nya ang damit na hawak nya.
Naka ngiti sya sa akin. "Ayos lang ba na sa kabilang kwarto ka?"
Napatingin ako kay Alirah at agad na umiling kay Ate Kristine. "Dito nalang ako sa sofa, I can sleep here, is that Okay?"
"If that's what you want, you can change in the next room, I'm picking up our parents in the airport."
"Paano si Alirah?"
"Your here, I trust you, Jasper."
Natigilan ako at napayuko nalang sa sinabi ni Ate Kristine. Hindi ko akalain na ganon kalaki ang tiwala sa akin ni Atee Kristine. Parang ang sarap sa pakiramdam na may tiwala ang ibang tao sayo.
Napangiti ako at tinignan sya. "I'll take care of Alirah, have a safe driving." ani ko.
She smiled at me and tap my shoulder, sinundan kosya ng tingin hanggang sa makalabas sya ng kwarto at doon ako napabuntong hininga.
BINABASA MO ANG
Save You In The Dark
Любовные романыHindi alam ni Alirah na makakatulong ang isang lalaking nakabungguan lang naman nya. Minsan hindi natin akalain na kung sino pa ang masama ang pakikitungo sakanya eh mabuti padin ang isinusukli neto. Ayaw magmahal ni Alirah pero sa isang lalaking an...