SYITD Chapter 35:

38 1 0
                                    

*Jasper's POV*

Ng matapos kaming sumayaw ay tuwang tuwa ako dahil sa mga reaction ni Alirah pero hindi ko pinapahalata.

Ng bumaling ako sakanila ay palabas na sila tatawagin ko na sana sila kaso naisip kona iirapan lang ako ni Alirah kaya hinarap ko nalang ang mga kaibigan ko.

"Tara na uwi na tayo napagod ako." Yaya ko sakanila at kinuha na ang bag ko at isinakbit sa balikat ko.

"Nakaka baliw talaga ang subject ni Miss Zara HAHA!" Tumatawang sabi ni Francis kaya nakitawa nadin kami.

"Buti nalang kamo magaling ang mga ka partner natin kung hindi baka pudpod na ang sapatos nyo sa sobrang pag kaka apak! HAHAHA!" Pambwibwiset ni Johnfred samin sabay takbo kaya hinabol namin sya hanggang sa makarating kami sa Parking lot.

"Hiningal ako puta!"hinihingal na sabi ko nag si tawanan naman sila.

*Broom!!*

Ng makita kong may humaharurot na mutor ay sinundan ko ito ng tingin at pag ka tingin ko ay si Alirah ang bubungguin nito kaya agad akong tumakbo.

"Alirah!?" sigaw ko at hinawakan sya sa kamay parang nawala naman sya sa huwisyo ng gumulong kami sa sahig.

"Jasper!!" sigaw nila sakin at tumakbo papunta sakin agad ko namang inupo si Alirah na wala padin sa Sarili.

"Ayus kalang ba pare? Loko yung motor nayun ah babanggain ata si Alirah!" Galit na sigaw ni Francis.

"Kilala nyo bayun?" tanong ni Sylvester.

"Baka yung mga dumukot satin yun pare!" kinakabahang sabi ni Johnfred.

Agad ko namang tinignan si Alirah namamasa ang mga mata kaya agad ko syang hinawakan sa balikat at hinarap sakin.

"Ayos kalang ba Alirah?" tanong ko pero bigla nalang pumatak ang mga luha nya kaya agad ko syang niyakap.

"Akala ko mamatay nako Jasper..." Pag ka sabi nya non ay mahina syang humikbi kaya hinagod ko ang likod nya.

"Shh... Nandito ako Alirah hindi kita hahayaang mapahamak." Bulong ko sakanya tumango naman sya.

Tinignan ko ang mga gamit nya na nag kalat sa daan kaya sumenyas ako sa tatlo na pulutin ang mga gamit nya ganon naman ang ginawa nila kaya humiwalay nako sa pag kakayakap at sinuri ang mukha ni Alirah na umiiyak padin kaya pinunasan ko ang mga luha nya gamit ang mga hinlalaki ko.

"Tahan na Alirah." Pag papatahan ko sa kanya at tinignan ang palda nya na umaangat na kaya agad ko itong binaba at tinulungan syang tumayo.

Save You In The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon