Chapter 8

45 9 0
                                    

ERRIECA'S P.O.V.

"Walangyang Blake yun. Nakakaasar. Sabi sabi pa siyang ibabalik niya sa dati yung aircon ehhh. Nangako pa ang pokpok na yon tapos hindi manlang binago. Nakakaasar." Inis kong sambit habang naghahalungkat ng jacket sa drawer ko. Jusko namumutla na ang mga palad ko tapos nanginginig na ang katawan ko sa sobrang lamig. Nakakaasar. Yung boobs ko stress na stress na sa lamig iihhh.

Nakakaasar naman kase yung talipandas na lalaking yon bakit ba umalis agad kanina hindi manlang inalala na kailangan pa niyang baguhin yung sa aircon. Kanina ko pa sinubukang baguhin yung aircon pero ang pokpok na aircon mas lumamig pa ata ang hangin na nilalabas. Naibato ko na nga yung remote kase ang pokpok nung remote. Ang bobo niya hindi niya mabago yung temperature nung aircon nakakabwisit. Buti nalang at hindi nasira yung remote.

"Bwisit bakit ang nipis mong jacket ka? Kung kelan kita kailangan tapos ang nipis nipis mo pa? Jusko tatagos parin ata ang lamig sayo ehh." Pakiramdam ko sisipunin na ako sa sobrang lamig nanginginig nadin ang kamay ko.

Bale kanina pagkalabas niya lumabas narin ako para magpakapokpok sa labas at awayin lang si Nishel tapos hanggang hapon na ako sa labas ng kwarto ko hanggang sa naghapunan na kami. Tapos pagbalik ko dito sa kwarto ko sobrang lamig na. Nakakaasar.

"AWW AWW AWW." rinig kong sigaw ni Bon Bon sakin. Ang sabi niya sa labas nalang daw ako matulog para hindi masyado malamig.

"Aba aba tama ka nga dyan Bon Bon. Bakit ba hindi ka agad nagsabi ng suggestions mo? Nakakaasar ka. Kanina pa ako lamig na lamig dito. Jusko anong oras na ohh antok na antok na ako tapos hindi pa ako nakakatulog kase nga ang pokpok ng aircon na yan." Pagrereklamo ko sa kaniya.

"AWW AWW AWW." kanina pa daw niya sinasabi yon pero di ko daw siya pinapansin.

"Jusko naman Bon Bon. Pano kita papansinin ehh nilalamig na ako ng bongang bonga. Kahit na magtalukbong ako dyan sa kama tumatagos parin ang lamig. Tapos nung pumasok ako sa loob ng Cabinet ganon padin malamig padin."

Nakakaasar talaga. Yari sakin ang Blake na yan bukas. Di ko siya papansinin. Nakakainit siya ng anit. Nakasuot na ako ng pajama at jacket tapos nakabonnet narin ako pero jusko ang almig padin.

Nagpunta ako sa kama ko at kinuha ko ang kobre kama pati unan at kumot. Napagdesisyunan ko nang sa labas nalang ako matulog. Oo sa labas ng kwarto ko. Kesa naman dito sa loob na ang lamig lamig. Baka kinabukasan tigas na ako dyan sa loob.

"Ano Bon Bon tara na?"

"AWW AWW AWW." sabi niya ako nalang daw ang lumabas kase ang sarap daw sa pakiramdam nung air con.

"Pokpok ka. Tuwang tuwa ka pa dyan sa bwisit na aircon na yan. Ang lamig lamig kaya. Bahala ka sa buhay mo basta sa labas ako matutulog. Chow." Pagkasabi ko nun ay lumabas na ako ng door.

Inilatag ako sa sahig ang kobre kama at inayos ang aking unan saka humiga.

"Hay Jusko naman talaga ohh. Yare ka talaga sakin Blake bukas. Nakakaasar ka."

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Ma'am, Ma'am. Gising." Nakarinig ako ng pangit na boses na parang gumigising saakin. Pero hindi ko nalang pinansin kase nga natutulog ako.

"Ma'am. Ma'am gumising na kayo dyan umaga na." Muli kong narinig ang sinabi niya.

Napamulat ang kyot kong mga mata at nakita ko ang pangit na pagmumukha ni Nishel.

"Ano ba. Iniistorbo mo ako. At pano ka nakapasok dito sa kwarto ko ha?" Inis kong sambit sa kaniya. Sa pagkakaalala ko nilock ko yung door bago ako matulog.

A PERFECT COUPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon