ERRIECA'S P.O.V.
May mga bagay sa mundo na hindi talaga natin aasahan na mangyari. Yung mga bagay na hindi natin inaasam pero kusang dumadating upang subukin ang ating pananalig at kakayahan.
Umaga na ngayon at tulala pa rin ako sa kawalan dahil sa mga nangyari kagabi. Hindi ko inaasahan ang biglaang pagdedesisyon ni Tita Vanessa kaya naman shook na shook pa rin ang boobs ko sa kaniya. Buong gabi akong halos hindi makatulog dahil sa kakaisip sa kapokpokan niyang pinagsasabi saakin.Jusko naman. Ako? Magiging Acting CEO? sinong pokpok ang niloko niya. Huhuhuhu.
"Errieca, you can do it. Tsaka for the mean time lang naman eh. Once na makarecover na si Kuya Bryan eh tapos na ang pagiging CEO mo." Pag-aalo saakin ni Blake na ngayon ay nakatayo na sa katabi.
Samantalang nakatingin lang ako kay Bryan na ngayon ay pangisi ngisi habang kumakain. Jusko naman, pinagtutulungan ata ako ng magkapatid na to.
"Jusmiyo marimar at Juan. Nasisiraan na ba kayo ng bait? Paano ko magagawa iyon eh wala nga akong experience. Pati isa pa jusko fresh graduate lang ako no. Alam ko namang maganda at prettyful akong tao pero may limitasyon naman ang kakayahan ko. Jusko naman. Kayo ha masyado kayong paladesisyon sa buhay. Nakakainit kayo ng anit." Yamot kong pagrereklamo sa kanila habang nakabusangot na nakatingin kay Bryan. Bakit ba eh sa trip kong magbusangot kay Bryan eh. Malay mo baka mabilaukan siya. Hihihi.
Pinalapit ako ni Bryan sa katabi niya. Aangal pa sana ako pero pinandilatan niya ako ng mata kaya wala na akong nagawa kundi ang lumapit na lang sa kaniya. Ito na ba yon? Jusko bakit dito pa sa ospital? Tsaka nandito ai Blake. Threesome ba kami? Oh nose na pango.
Naupo ako sa katabi niya ngunit hinila niya ako papalapit sa kaniya dahilan para kiligin ang pussy kong nananahimik. Enebe Bryen pere ke telegeng sere. Hihihi.
"Hey Errieca. You don't have to worry about anything. Besides tutulungan ka naman ni Blake eh. And you can call me anytime kapag hindi mo alam ang gagawin. Isa pa, we believe na kaya mo yung gawin. Just do the things that I do when we are in the company. Just act like me okay?" Pagpapakalma niya saakin.
Pero hindi ko alam kung ano ang kapokpokan na pumasok sa utak ko at bigla ko siyang nayakap. Ngunit naramdaman ko din ang pagyakap niya saakin. At nang dahil sa pagyakap niya saakin ay ramdam ko na para bang ligtas ako at magiging okay lang ang lahat. Nang dahil sa yakap niya saakin ay pakiramdam ko kakayanin ko ang lahat ng bagay dahil may isang tao na pwede kong sandalan sa lahat ng oras. Nang dahil sa pagyakap saakin ni Bryan ay kinilig na naman ako, pero kers lang kase diba nga maganda at prettyful naman ako. Hihihi.
"I hope you'll be fine now." Rinig kong pagkakasabi niya saakin kaya naman napangiti ako at kumawala sa pagkakayakap ko sa kaniya. Gusto ko pa sanang tagalan ang pagyayakapan naming dalawa ngunit baka mainggit si Blake at makisali pa saamin. Hihihi.
"Okie pokie. Ako na ang bahala. Basta magpagaling ka kaagad ha. Jusko Bryan wag kang mag-inarte dito at bilisan mo ang pagpapagaling mo, kundi tutuluyan na talaga kita." Litanya ko sa kaniya na siya namang ikinangiti niya.
Sobrang aliwalas ng mukha niyang tingnan nang sandali siyang ngumiti saakin. Ngunit nang dahil sa pagngiti niyang iyon ay bigla na lang bumilis ang pagpintig ng pussy este ng puso ko. Para bang malulunod ako sa klase ng pagtingin at pagngiti niya saakin. Hindi ko alam kung kailan ito nagsimula ngunit pakiramdam ko ay mahal ko na nga ata si Bryan Mawhali. Ang nag-iisang Cookie Monster ko. Hihihi.
"I will. Just do your best. You can do it. Okay?" Muli niyang saad saakin at saka ipinagpatuloy ang kaniyang pagkain.
Kahit na nakatagilid si Bryan ay kitang kita ang kagwapuhan niyang taglay. Mula sa mapipilantik niyang pilik mata, sa matangos niyang ilong, sa malambot niyang labi at sa perfect niyang mukha ay mababakas at hindi maipagkakaila na sobrang gwapo talaga niya. Hihihi. Napapaisip na lang ako kung ano ang magiging itsura ng magiging mga anak namin. Hihihi.
BINABASA MO ANG
A PERFECT COUPLE
RomanceWhat happens if a girl like me, a "promdi girl," meets a guy like him who despises my kind? I am just a normal girl living a normal life, and I will enter a place that I believe is a good choice but is not. They all accept me, but not HIM. The man...