Chapter 5

66 13 1
                                    

ERRIECA'S P.O.V.

Iyak lang ako ng iyak nang matumba ako sa sahig dahil sa malakas na tulak saakin.

Ngayon ko palang naramdaman ang ganitong pighati at sakit sa tanang pokpok kong buhay.

Agad kong pinunasan ang mga luha sa kyot kong mata at dahan dahang tumayo. Hindi na pwede to. Kailangan ko nang ipaglaban ang karapatang pantao ko o karapatang panghayop man. Tutal hayop naman nila akong tratuhin.

"Oo, Bryan. Pokpok ako at alam kong alam na alam mo yan. Pero bakit? Bakit kailangan mo pa akong ganituhin? Ginawa ko naman ang lahat ahhh. Binigay ko ang lahat para sayo. Bakit parang kulang? Kulang pa ba ang lahat ng paghihirap ko?...... alam mo nung nasa probinsya ako hindi ko manlang naranasan yung naranasan ko dito. At kahit magkanda kuba kuba na ako kakakayod masaya parin ako. Pero bakit ng dumating na ako dito? Ha? Bakit kelangan ko pang maranasan to? Hindi mo alam kung ano ang sakit na nararamdaman ko. Sa tingin mo ba ginusto ko yun? Sa tingin mo ba masaya ako dahil dun? Hindi Bryan, kase mahal kita. Hindi ko maaatim na gawin o gustuhin man yun."

Tulo lang ng tulo ang mga pashneya kong luha dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Humakbang pa ako ng dalawang hakbang papalapit.

"Sana naman maawa ka. Sana naman maintindihan mo ang nararamdaman ko. Kase ang sakit sakit na. Para na akong mamatay hindi ko na kaya bryan. Nahihirapan na ako. Tao lang ako bryan hindi tulad ng pagtrato mo sakin. Huhuhuhu."

Nakarinig ako ng palakpak kaya pinunas ko na ang luha sa mata ko. Sabay ngumiti at nagbow sa harapan ni Nishel.

"Ohhh ano Nishel bilib ka na ba sa acting ko? Ha, sabi ko naman sayo ehhh." Nagflip pa ako ng bongang bonga na halos maubos na ang anit ko.

Ngumiti siya saakin at muling pumalakpak.

"Ma'am Errieca grabe ang galing mo ma'am. Para kang tanga. Hahahahahhahah. Sa tingin mo ba magiging ganon sayo si Sir Bryan? Hahhaha masyado kang illusyonada mam. Hahhaha"

Nag-init ang tenga ko sa mga narinig ko mula kay Nishel. Ikaw na bruha ka.

Agad kong hinawakan ang ulo niya at inumpog ko ng todo sa pader. Halos mag echo yun sa buong kwarto. Chossss di naman ako ganun kabrutal.

Tinampuyong ko lang sya ng dalawang beses para hindi naman sya ganung masaktan.

Ewan ko ba sa pokpok na to. Hindi sya marunong makaappreciate ng talent ko. Jusmiyoperdones puro kapokpokan lang kase ang alam sa buhay ehh.

Sa amin dati best in talent ako nun sa school namin. Tuwang tuwa ang mga pokpok na teacheress kase ang galing galing ko daw.
Isang beses nga ginaya ko yung prinsipal namin. Yung eksena ko dun ay yung nakita ko sa kanila na nakikipag away sya sa asawa niya kase masyadong babaero. Todo gaya ko sya kase kabaryo ko lang sya. Kaya alam na alam ko ang kaganapan sa pokpok nyang buhay.

Madami ang namangha meron din namang natuwa at meron ding umiyak. Ewan ko ba ang popokpok nila ehh.

Kaso isang linggo akong nasuspend at hindi na muna ako pinapasok. Nagdalamhati ata si prinsipal kase naexpose sa plublicitycare ang MMK story nya. Hahahaha. Pero kers lang kase brainyble naman ako kaya okehhh lemeng. Atleast makakakayod pa ako.

Simula rin nung kaganapang yun galit na sakin yung pokpok naming prinsipal. Pero kers lang bahala sya sa pokpok nyang buhay. Wapakels naman ako eh.

Kase naniniwala ako sa kasabihan naming mga pokpok na.

"Wag ka makipagfriendship sa kapwa mo pokpok kase aagawan ka nyan ng kliyente."

Kaya ayun ignore ignore nalang ang tiya nyo.

A PERFECT COUPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon