Chapter 51

55 9 1
                                    

Dear Bryan Mawhali,

Hi Bryan, hihihihi. Paunang bati muna tayo kase nga diba maganda at prettyful akong tao tapos pokpok pa. Hi ulit ang ganda ko diba? Oi bawal tumanggi kase di naman mapagkakaila ang ganda kong tinatanggi diba? Hihihi. Pag di ka sumang-ayon, edi hindi. Hindi kita bibigyan ng lima bahala ka dyan. Mamatay ka sa inggit.

So ayon na nga, ang ganda ko Bryan. Di ko alam kung bakit sobrang ganda ko tapos ang prettyful pa. Alam mo yun, ang hirap kaya ng ganon na tutulog ka ng maganda tapos gigising ka padin ng maganda. Jusmiyoperdones marimar at juan, nakakapagod na maging maganda pero kers lang naman kase pokpok akong tao diba? Kaya kinakaya ko kahit sobrang hirap na. Ito ngang boobs ko eh nakaya kong dalhin sa loob ng maraming taon ito pa kayang gandang tinataglay ko?

Oy aminin, hahaha alam ko naman na gandang ganda ka sakin kaya nga crush na crush mo ako eh, tapos gustong gusto mo pa ako. Ikaw kase eh pakipot ka pa. Jusko ang dami mong alam, jojowain rin naman pala papakipot pa. Eh kung bigwasan kita dyan ng lima nang makita mo hinahanap mong maganda. Tse.

Ito na nga, siguro binabasa mo na ito ngayon kase kung hindi mo ito binabasa eh malay ko ba sayo bahala ka sa buhay mo kung ayaw mo itong basahin. Nagsulat lang naman ako ng letter kase nga maganda at prettyful akong tao. Tapos sa pagkakataong ito alam kong naiiyak kana kase nga diba sobrang naiinggit ka sa ganda kong tinataglay kase nga diba badingersy ka? Pero jinowa mo pa ako? Ay jusmiyoperdones ka Bryan. Pero kers lang, kase nga pogi ka naman. Hihihi. Saglit ung pussy ko kinakabahan este yung puso ko. Hay jusko ka Bryan, mawhali ka talaga. Ikaw na bahala sa buhay mo kung babasahin mo ito hanggang dulo o hindi mo to tatapusin kase nga pokpok kang tao. Pero jusko basahin mo ito habggang dulo wala akong pake kung iniisip mong walanh sense itong sinasabi ko dito, pero sakin, alam ko na ibinigay ko ang buong puso, dugo at pawis, atay, balunbalunan, apdo, bituka, baga, bato at alaklakan ko dito para lang masulat ko itong malatelenovela kong sulat. Kaya dapat marunong kang makaappreciate.

Ito na nga, pero bago ang lahat ang ganda ko talaga Bryan pramis, walang halong joke. Kase di naman ako nagjojokie jokie kase nga diba pokpok akong tao kase dapat serious lang ako dito kase nga maganda at prettyful akong tao. Pero ito na nga, alam ko na ibinigay at natanggap mo itong sulat na ito mula kay Blake kase nga diba ipinaabot ko ito kay Blake sayo? Tama naman diba? Wag kang bobo Bryan nakakainit ka ng anit.

Pati wag kang magdrama kase ako lang ang may karapatan na magdrama kase nga maganda at prettyful akong tao. Kaya wag kang magdrama kase pumapangit ka. Bawal kang maging pangit Bryan kase nga diba maganda ako, gwapo ka pano na lang ang magiging anak natin kapag naging pangit ka? Edi papangit din sila? Jusmiyoperdones Marimar at Juan, ayoko ng pangit na mga anak. Kase nga pangarap ko pa naman Bryan na magkaroon tayo ng pitong anak. Apat na lalaki tapos tatlong babae na triplets. Kaya dapat magready ka Bryan ha. Anakan mo ako. Huhuhuhu.

Pero pwera sa biro. Hindi ko rin alam kung bakit ko isinulat itong sulat na ito, basta kumuha ako ng papel tapos nagsulat ako ng sulat at itong sulat ko na ito ay ibibigay sayo ni Blake ang sulat ko tapos babasahin mo ang sulat na sinulat ko hanggang sa matapos mong basahin ang sulat na ibinigay sayo ni Blake na sinulat ko.

Alam mo ba Bryan, nung unang punta ko rito sa inyo akala ko machuchukchak mo ako kaagad kase nga diba ang naughty naughty mo? Pero hindi pala, sayang naman. Kainis ka kaseng mawhali ka eh bagal bagal mo dumiskarte. Pero ayon nga, naalala ko pa talaga yung unang beses kitang nakita. Kase sobrang memorable non kase pandesal agad ang bumungad sa mata ko hihihi. Ang sherep. Pengeng kape Bryan. Hihihihi.

Tapos iyon, sobrang pangit mong kabonding dati kase sobrang suplado mo, sobrang gaspang ng ugali mo tapos basta nakakainit ka ng anit. Pero alam ko naman na may lihim kang pagtingin saakin simula pa lang nung una. hihihihi. Ikaw kase eh pakipot kang talipandas kang mawhali ka.

Tapos naaalala mo pa ba yung nagmomodel ako na parang pang asia's next top model sa mag pool ninyo? Jusko nadulas ako non pero kers lang kase nga maganda at prettyful akog tao. Pero dahil nga masyado kang pabibo sa buhay ko eh may pabuhat buhat ka pang nalalaman kaya ayon ung abs mo dumikit sa balat ko. Alam mo yun nakakainis ka eh, dapat hinigpitan mo pagkakahawak mo sakin non para dumikit naman yung mukha ko sa dibdib mong matigas. Hihihihi. Ang naughty naughty mo talaga Bryan.

Pero ano, nakalipas na ang lahat ng yun Bryan. Masaya ako sa mga ala-ala na pinagsaluhan nating dalawa. Masaya ako Bryan na nakilala kita. Masaya ako sa naramdaman ko mula sayo. At masaya ako na nakilala kita at naging parte ka ng pokpok kong buhay kahit na puro pambuburyong lang ang dinulot mo sa buhay ko.

Sana lang Bryan, sa kahit na anong angulo mo sana tingnan ang gagawin kong bagay para sayo, para makamove forward at backward kana sa past mo, eh sana mapatawad mo pa ako. Kase alam mo ba na pinanghahawakan ko yung sinabi mo saakin nung nagchukchakan tayo sa hospital? Kase tandang tanda ko pa yung sinabi mo eh. Lagay ko na lang dito sa sulat para malaman mo kung gaano ka kacringe non. Pero di na ako nagreact kase nga kinilig din ang pussy ko este ang puso ko sa mga sinabi mo. Ang galing mo kaseng magpakilig kang talipandas na mawhali ka eh. Ito yung sinabi mo sakin noon eh. Hihihi.

"But if that thing happen. I'll surely forgive you no matter what. Errieca, you know that I love you so much, hindi ako ganon ka showy but I can guarantee you that.  I will accept any consequences of loving you because you deserve it. I love you so much and I won't do anything to hurt you again. I already hurt you several times and I can't afford to do the same mistake again.  You already suffer a lot and I think its about time to end your sufferings. I will protect you because you are my love, my strength, my happiness. You are the sun that makes my day and my moon that complete my night sky. You are the air that I breathe, and you are the one who complete me and the reason for me to wake up each day that I live. I love you so much Errieca. Thank you for staying with me. Sa kabila ng lahat ng nagawa ko sayo, you still chose to stay by my side. I owe you alot Errieca. I love you so much."

Oh yan oh, diba nakakakilig ka? Iyan ang pinanghahawakan ko Bryan. Na papatawarin mo ako kahit na may magawa akong malaking kasalanan sayo. Na mamahalin mo ako ng buong buo at walang halong jokie jokie.

Bryan mahal na mahal kita, kaya ginawa ko ang bagay na ito. Ayoko na malunod ka sa nakaraan mo kase sa totoo lang Bryan, nasasaktan din ako sa tuwing nakikita kitang nahihirapan  nang dahil sa mga ala-ala nv past mo. Alam ko na masakit ang nangyari sayo noon, kaya sa tingin ko dapat mo nang pakawalan ang nakaraan at bitawan mo na ang ala-alang nagpapahirap sayo sa kasalukuyan. Bryan mawhali ko, mahal na mahal kita. Sana maintindihan mo kung bakit ko ginawa nag bagay na ito. At sana lang Bryan mawhali ko, mapatawad mo pa ang maganda at prettyful na pokpok na si ako.

Pero kung ano man ang mangyari wag kang mag-alala kase patuloy lang kitang mamahalin ng buong buo Bryan. Ano man ang maging dulo nating dalawa mahal kita Bryan. At hindi ko magagawang magtanim sayo ng sama ng loob dahil Bryan Mawhali, ikaw ang buhay ko, ikaw ang lakas ko at ikaw ang kaisa isang lalaking mahal ko at patuloy kong mamahalin ng buong buong at walang pagkukulang.

Isa pa Bryan, kung may mangyari mang masama saakin, sana wag na wag mong sisisihin ang sarili mo dahil hindi kita sinisisi sa maaaring mangyari saakin. Pinili ko ito kaya nangyari ang posibleng bagay na ito saakin ngayon. Ang desisyon kong ito Bryan ang dahilan ng lahat kaya wag na wag mong sisisihin ang sarili mo Bryan. Mahal na mahal kita Bryan, mula dito sa pussy ko este sa puso ko hanggang sa kabilang buhay ay dadalhin ko ang pagmamahal ko sayo at ang pagmamahal na ibinigay mo. Mahal kita Bryan Mawhali.

Ang nag-iisang bebe gurl ng buhay mo,
Errieca na maganda at prettyful na dyosa ng mga pokpok.

A PERFECT COUPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon