CHAPTER 3

78 11 2
                                    

ERRIECA'S P.O.V.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at lutang na lutang. Matapos ang usapan namin ay dinala na ako dito sa kwarto na para saakin.

Hindi parin ako makamove forward backward at sideward dahil sa revelationing na pinagsasabi nila. Pinapunta lang pala ako dito para magpakasal sa anak nila.

Jusko paano nalang si Jerry my labs.. my crushie na sobrang fugi na mayaman. Kaso nga lang si Jerry my labs ehh may labs ng iba.
Huhuhuhu

Napahiga nalang ako sa kama ko at tumingin sa kisame. Ibang iba na talaga ito sa nakasanayan kong bahay. Na paghihiga ako sa papag hindi kisame ang makikita ko kundi yung mga frenny ko na gagamba na naghahabulan at naglalambitinan sa kawayan.

Ang sad ko ngayon kase naninibago ang boobs ko sa atmosphere dito. Nakaaircon dito sa kwarto ko samantalang sa bahay ko dati ayun pawis na pawis ako. Wet na wet na yung boobs ko at kailangan ko pang alisin yung bra ko para lang heaven feels.

Napatingin ako sa sidetable na nasa side na kama ko. Hmmm brainy ko no? nakita ko naman yung sulat na ibinigay saakin ni tita Vanessa bago ako pumasok ng kwarto. Letter daw ito ni daddy bago sya madeads.

Umupo ako sa pagkakahiga at inabot ang sulat.

Napatingin ako sa sobre at nakalagay pa na.

"SMILE BEFORE YOU OPEN." Pagbabasa ko sa sulat kaya naman ngumiti ako  hindi lang isa kundi maraming ngiti. isa pa ulit smiles magandang errieca ganda mo talaga.. isa pa nga.

Binuksan ko na yung sobre at kinuha yung sulat ni Daddy.

"This letter is brought to you by Sunsilk.... Revicon forte..... alaxan fr.... energen"

Ay ang taray ng letter may pa commercial pa na naganap. Ibang klase talaga. Hahaha

Pagkabukas ko ng sulat ay halos mashock ako ng bongang bonga kase yung sulat parang kinahig ng manok. Jusko ang sakit sa mata. Pero kers lang kayang kaya basahin para sa ikauunlad ng ekonomiya ng mga pokpok.

Dear Errieca Maganda,

Ay ang ataray alam na alam talaga ni daddy kung pano sabihin ang pangalan ko.

Anak sa pagkakataong ito, alam ko na binabasa mo na ito.

halaaa.. daddy naman minumulto mo na agad ako ehh.. pano mo nalaman na binabasa ko na to. Ohh nose.

At alam ko rin na sa pagkakataong ito ay shook na shook ka.

Jusko naman daddy wala namang takutan ohhh.. alam ko naman na alam mo na magugulatin ako na kahit nasa harapan ko na magugulat parin ako.

Anak alam mo ba na lahat ng yaman natin ay iniwan ko sayo.

Sorry dad pero hindi ko alam. Wala nga akong nahawakan ehh kahit piso manlang.

Lahat lahat ay ipinamamana na namin sayo. Alam ko na hindi na ako magtatagal dahil alam ko na macacar accident ako kahit hindi ako nakakotse.

Halaa grabe naman pano nalaman ni Daddy na mangyayari yun?

Alam ko na tatanungin mo kung pano ko alam na mangyayari yun. Kaya wag kana magtanong kase hindi ko rin alam. Basta nakausap ko ang author, papatayin nya ako agad agad kaya inunahan ko na siya. Gusto niya makuha ang yaman natin kaya ginawan ko na ng paraan. Pero bago mo makuha ang lahat ay kailangan mo munang pakasalan ang panganay na anak nina Christoff at Vanessa.

Ay grabe. So si daddy pala ang may pakana ng lahat. Jusko kung nandito ka lang papatayin talaga kita daddy kaso namatay kana kaya hindi ko na magagawa yun.

A PERFECT COUPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon