ERRIECA'S P.O.V.
"ANO BA BRYAN BITAWAN MO NGA AKO? SAAN MO BA AKO DADALHIN?" sigaw ko sa kaniya matapos naming bumaba ng kotse at hilahin ako kung saan. Bakit ba ehh hindi ko naman alam kung saan ako dadalhin ng talipandas na mawhali na to eh. Nakakainit siya ng anit. Hindi na siya nakakatuwa eh.
"Kakain." Casual niyang pagkakasabi saakin dahilan para malaglag ang panga ko at gumulong sa kalsada. Char.
"Puki ng mother and child mo naman talaga Bryan. Kakain? Matapos mo akong paiyakin kanina, kakain tayo ngayon? Sinong pokpok ang niloko mo." Inis kong pagkakasabi sa kaniya at marahas na inagaw ang aking kamay sa kaniya. Kase naman ang higpit niyang humawak, para namang gigil na gigil saakin. Alam ko naman na maganda at prettyful ako pero hindi naman niya ako kailangang hawakan ng masakit at panggigilan. Jusko, ehhh kung bigwasan ko kaya siya ng lima ay mali sampo pala para masaya.
"Naaah. Its not my intention. Ikaw kase nagdrama ka agad. Hindi mo man lang ako pinatapos sa pagsasalita." Para naman akong sinampal ng tatlong beses dahil sa sinabi niya. Ay isa lang pala, masyado na atang masakit yung tatlo eh.
"Talipandas ka talagang mawhali ka. Ehh paano ako hindi iiyak eh, hindi mo ako pinapakain kanina, ang sarap pa naman ng ulam sa bahay tapos hindi mo rin ako pinapapasok sa kwarto ko. Ano sa tingin mo ang iisipin ko? Malamang pinapalayas mo na ako. Siraulo kang mawhali ka." Inis kong pagkakasabi sa kaniya pero tinawanan lang ako ng pokpok na talipandas na mawhali na to.
"Stop calling me mawhali. Its irritating." Singhal niyang pagkakasabi saakin pero wala akong pake kase maganda at prettyful akong babaeng pokpok at walang makakapigil sakin.
"Wala wala. Tatawagin kita sa kahit na anong gusto ko at wala kang magagawa don." Mapang-uyam kong pagkakasabi sa kaniya. Hmm. Tingnan na lang natin kung saan ka dadalhin ng kagwapuhan mo.
"Okay then. Bahala ka dyan kakain ako mag-isa." Saad niya saakin at nagsimula nang maglakad. Jusko naman talaga ohh ang pabebe nitong talipandas na lalaking to. Dinala dala ako dito tapos sya lang pala kakain mag-isa ehh kung kainin ko siya ng makita niya ang hinahanap niya. Rawr. Char lang. Hihihihi.
"Hoy, poging lalaki na nagngangalang Bryan Villa Fuego. Ikaw naman hindi ka na mabiro. Hihihi. Intayin mo ako kundi ikikiss sabay hug talaga kitang hinayupak ka." Sigaw ko sa kaniya habang tumatakbo upang maabutan siya sa paglalakad.
Nang makalapit ako sa kaniya at makatabi ko siya ay napansin ko na nakangiti siya na parang asong ulol. Kaya naman napatawa ako.
"What are you laughing at? Are you out of your mind?" Pagtatanong niya saakin habang nakakunot ang noo, pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kaniyang mga labi.
"Ikaw kase eh, para kang asong ulol na pangisi ngisi. Pero kers lang kase ang kyot mo pala pag nakangiti, ikaw kase eh lagi ka na lang nakabusangot na para bang pinagsakluban ng langit at lupa, tapos kapag nagagalit ka parang laging sumasama ang balat sa tinalupan." Pang-aasar ko sa kaniya ngunit napailing na lang siya saakin.
Pero masaya naman ang pokpok na si ako dahil akala ko talaga kanina gera na ang mangyayari eh, hindi pala. Ganon pala si Bryan kapag magpapasweet sayo. Pagmumukhain ka munang tanga tapos babait na siya sayo. O di kaya ay galit talaga siya kanina tapos nung umiyak na ako naguilty siya, kaya kakain kami sa labas ngayon? Ehh kung sa loob na lang kami ng kwarto niya nagkainan eh di sana hindi pa nasayang yung gasolina ng kotse niya. Hihihi. Kaso hindi ako ready kanina eh. Hihihi. Next time na lang siguro. Isusuggest ko sa kaniya. Hihihihi.
Nang makatapat kami sa isang malaking gusali ay agad rin na bumukas ang dalawang bubog na door dahil sa pokpok na taong nagbukas ng non. Akala ko nga eh dahil sa ganda kong taglay kaya kusang bumukas yung door gaya ng napapanood ko sa palabas dati, yung mga pokpok na prinsesa na walang ibang ginawa kundi ang maghanap ng prince charming nila kaso may mga paepal na kontrabida na masyadong bida bida hindi naman sila yung bida eh nagpapabibo masyado. Jusko nakakainit sila ng anit. Lalo na yung sa Slipperrera? Wait lang parang mali ata. Yung sa bubungera? Ay para namang si Aling Pasing yon na nagbubunganga lagi. Yung ano, yung may Fairy God pokpok mother na minagic magic yung gulagulanit na damit nung pokpok na katulong na gustong gustong makapunta don sa party, eh hindi nga siya pinayagan nung nanay niyang mukhang kinulang sa aruga at yung dalawa niyang stupid kapatid na mukhang kinulang sa vitamins at nagmukha nang kurikong sa paa. Ewan ko ba ang pokpok talaga nung palabas na iyon, tinuturuan lang yung mga bata na manonood kung paano magpasaway sa magulang jusko naman. Tapos kumakausap pa sa daga na nagtatahi ng damit, paano na lang kung may daga sa bahay nung mga batang nanood ehh di kakausapin din nila yon? Ewan.
BINABASA MO ANG
A PERFECT COUPLE
RomanceWhat happens if a girl like me, a "promdi girl," meets a guy like him who despises my kind? I am just a normal girl living a normal life, and I will enter a place that I believe is a good choice but is not. They all accept me, but not HIM. The man...