Chapter 23

40 7 0
                                    

ERRIECA'S P.O.V.

"Ahhhhh, ganon ba? Sige okay lang Jerry my labs sa susunod na lang. Hahahah. Marami pa namang next time eh." Sagot ko kay Jerry my labs sa kabila ng linya. Tumawag kase siya na hindi daw matutuloy yung date namin kase may gagawin daw siya eh. Kaya ayon medyo na sad ako kase nga dapat kikiligin na ako mamaya pero na udlot lang. Para bang yung a-atching ka pero may pabibo na nagbida bida na nag-atching atchingan kunwari kaya ayon naudlot yung atching mo. Jusko diba nakakainit ng anit yung ganong klase ng tao. Masyadong bida bida sa buhay, sarap nilang bigwasan ng lima.

"I'm really sorry Errieca." Bakas sa boses niya ang lungkot habang sinasabi niya iyon saakin.

"Nako ano ka ba Jerry my labs okay lang yon. Next time na lang. Ingat ka ha " muli kong sagot sa kaniya at maya maya pa ay naputol na ang tawag.

Napabuntong hininga nalang ako kahit na mabaho ang hininga ko, charot hahahah. Kakatoothbrush ko lang kaya kase nga ready at prepared na ako para sa date namin ni Jerry my labs ang kaso nga lang hindi ko naman alam na hindi pala tuloy. Kakatawag lang niya eh maggagabi na tapos ngayon lang siya tumawag. Jusko naman ano bang inaatupag niya sa buhay at hindi man lang ako ininform kanina jusko. Hindi naman sa nag-iinarte ako kahit alam ko na maganda ako pero sana manlang ay sinabi niya ng mas maaga para naman hindi na ako nagpakaeffort. Jusko. Sayang yung sabon naligo pa ako.

Imbes na magpalit ako ng damit ay naisipan ko muna na  magpunta sa labas ng bahay para magpahangin, bakit ba eh sa naiinitan ako eh, pati gusto ko ring magpakapokpok sa lamukan. Try nyo rin minsan, wag masyadong pabebe. Madilim na rin sa labas ngunit dahil sa liwanag na nanggagaling sa bahay at sa mga poste na nakalagay dito sa kabuuhan ng lugar ay nakikita ko naman ang dinadaanan ko. Aba naman malay ko ba baka mamaya madapa pa ako diyan eh, nakadress pa naman ako na galing at ibinili ni Tita Vanessa para saakin. Jusko ayokong madapa kase baka magasgasan ang beautiful face ko.

Makailang sandali pa ay narating ko na rin ang lugar na gustong gusto ko. Sa tabi ng ilog nila. Kase ibmes na tumingala ako at magpakangalay ng batok ay sa tubig na lang ako titingin para makita ko ang mga bituin sa langit. Malay mo mamaya maisipan ko na maligo, wala namang tao eh, tapos medyo madilim pa walang makakakita saakin kung gaano ako kagaling lumangoy.

Habang pinagmamasdan ko ang repleksyon ng bituin sa langit ay hindi ko maiwasang hindi mag-isip ng kung ano anong bagay. Kase naman maganda at prettyful ako, tapos brainy pa kaya dapat lang na nag-iisip ako, baka sabihan pa nila akong stupid gaya ng sinasabi saakin ni Bryan. Ehh kung sungalngalin ko kaya bunganga niya ng hindi na siya makapagsalita. Jusko naman nakakainit talaga siya ng anit. Pero kers lang kase ang gwapo gwapi naman ni Bryan tapos masarap pa, este masarap paluin ng dos por dos yung puwet niya. Jusmiyoperdones, bakit kaya hindi ko manlang mahawakan yung malaki niyang puwet? Ilang beses ko nang tinangka pero hindi ko manlang magawa.

Muli akong napabuntong hininga dahil nabobored na ako kakatingin sa mga pokpok na bituin sa langit.

"Hay nako, mabuti pa kayong mga pabibong star. Wala kayong prinoproblema, hindi kayo nakakaramdam ng sakit o di kaya ay walang nakakatapak sa inyo. Hindi katulad ko na, halos laging natatapakan ang pagkatao. Akala ko talaga magiging okay ang buhay ko dito, hindi rin pala. Kase lagi na lang ako umiiyak dito. Lagi ko na lang nararamdaman na hindi ako tanggap sa lugar na ito. Samantalang sa probinsya ko noon, kahit na naghihirap ako don, tanggap na tanggap ako ng mga pokpok na tao sa lugar namin pati sa ibang lugar na napupuntahan ko pagnaglalako ako. Ehh, dito kahit na tanggap ako ng ibang miyembro ng pamilya nila may isa pa ring tao na hindi ako kayang tanggapin. Ewan ko nga ba, bakit ganon. Hindi naman ako yung taong nakagawa sa kaniya ng pagkakamali pero parang ako pa yung nagdudusa dahil sa kapokpokang ginawa ng pokpok na yon. Nakakainit siya ng anit." Naramdaman ko na lang na may tumulong luha mula sa kyot kong mga mata kaya dali dali ko itong pinunas gamit ang aking palad.

A PERFECT COUPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon