Chapter 40

62 8 10
                                    

ERRIECA'S P.O.V.

"Luhhh. Sino ka?" Agad kong tanong sa pokpok na babaeng kaharap ko ngayon.
Kase naman eh hindi ko naman siya kilala tapos hihila hilahin niya ako dito? Close ba kami? Diba hindi naman. Jusko nakakainit siya ng anit.

"You don't know me?" Nakangiti niyang pagkakasabi saakin dahilan para bumagsak ang balikat ko at tingnan siya na parang pokpok.

"Gaga ka ba? Kaya nga tinatanong kita kung sino ka eh kase hindi ko alam pangalan mo. Anong tingin mo sakin? Manghuhula? Pokpok ako at hindi ako manghuhula. Pokpok na to." Inis kong pagkakasabi sa kaniya at saka sumimangot.

Napailing naman siya saakin at saka umayos ng pagkakatayo.

"You still haven't change at all. Ikaw pa rin si Errieca Mae Mallandi na nakilala ko dati." Proud na proud niyang pagkakasabi saakin kaya mas kumunot ang noo ko.

Jusko, sabog ata tong babae na to. Nakasinghot ata to ng katol. Eh samantalang hindi ko naman siya kilala tapos sasabihin niya na ako pa rin yung dating maganda at prettyful na si Errieca Mae Mallandi na nakilala niya. Feeling close ata tong babae na to eh. Alam ko naman na maganda at prettyful ako pero diba nga hindi ako famous.

"Hoy babaeng hindi ko kilala, aba pano mo naman ako nakilala aber? Follower kita sa facebook no? O di kaya stalker kita? Jusko naman alam ko naman na maganda at prettyful akong tao, pero kung stalker kita jusko dapat sa facebook ka na lang nagchat, rereplyan naman kita eh. Isa pa di ako pumapatol sa kapareho kong may tahong. Teka lang. Sino ka ba? At anong trip mo sa buhay? Jusko, bakit ganyan ang suot mong dress? Luluwa na yung suso mo eh." Singhal ko sa kaniya ngunit kagaya kanina at napailing iling na lang siya saakin.

"Okay fine. Tutal hindi mo ata ako natatandaan Hahaha. I am Aubrey you....."

"Aubrey ni Boyet? Hay sabi ko na nga ba eh. Pokpok ka din. Hahaha. Jusko kumusta na kayo ni Boyet? Kinikilig ka pa rin ba sa udong udong na yon? Nako kung ako sayo hahanap na ako ng bago. Ikaw kase eh ang rupok rupok mo, sinabihan ka lang ng "Aubrey kahit pokpok ka mahal na mahal kita" naniwala ka naman agad. Jusko naman talaga. Tandaan mo na udong udong yon, hindi nya alam ang sinasabi niya. Legit." Pagputol ko sa sinasabi niya. Kase hindi naman na niya kailangan pang sabihin saakin eh, kase kilala ko na siya.

"Wait teka lang. Hindi ako si Aubrey na tinutukoy mo. Let me finish first." Sambit niya saakin kaya napasimangot ako. Kase napapaisip ako na magpa authograph sa kaniya eh. Kase idol ko pa naman si Aubrey pokpok. Sayang.

"Okay sabi mo eh. So sino ka nga?"

Huminga siya ng malalim bago niya ako muling kausapin.

"I am Aubrey Jimenez. We're classmates before. Nung elementary tayo." Napaisip naman ako dahil sa sinabi niya. Ngunit nang muli ko siyang maalala ay bigla naman akong natuwa.

"Waahhhh ikaw na ba yan Ubing? Jusko ang ganda mo na ah, dati ang pangit pangit mo tapos mukha ka pang tibod pero ngayon ang ganda mo na pero syempre mas maganda pa rin naman ako. Jusko naalala ko na naman, diba ikaw yung pokpok na naglagay ng bubble gum sa buhok ko dati? Yung ginawa mong pampuyod sa buhok ko? Diba ikaw yon? Hahahah pokpok na to. Di mo agad sinabi. Hahahaha." Natutuwa kong pagkakasabi sa kaniya.

Jusko siya lang pala yung kalase ko dati na gusgusin, yung mukhang tubol hahaha. Hindi ko naman inakala na gaganda sya ng ganyan. Kase dati sya yung laging nilalait ng mga bata don sa school namin dati. Syempre kasama ko don no. Hihihi. Ako pa nga ang pasimuno pero syempre kinakaibigan ko sya para hindi naman halata. Hindi ako plastic ha hindi rin ako bully. Sadyang maganda at prettyful lang talaga ako tapos pangit sya kaya ayon.

Lagi kong tinatago yung tsinelas nya dati tapos tutulungan ko siya maghanap. Tapos ilalabas ko lang yung tsinelas niya kapag umiiyak na siya. Kase ang pangit nya talagang umiyak dati, pangit na nga siya tapos pangit pa yung pag-iyak niya. Hahahaha. Kunyare nahanap ko yung tsinelas niya tapos yon magpapasalamat siya saakin hihihi.

A PERFECT COUPLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon