ERRIECA'S P.O.V.
Maaga akong nagising dahil sa ingay ni aling Pasing as usual nagbubunganga na naman sa paborito niyang anak. Araw araw nalang na ginawa ng Diyos puro pagbubunganga nalang ang ginagawa. Pero buti nalang at dinaig pa ni Aling pasing ang alarm clock ko dahil kailangan ko pang ayusin ang mga gamit na dadalhin ko.
Napag isipan ko nang mabuti kagabi na sasama ako kay Lucifer, malay mo naman good opportunity na pala to para sakin.
Isa pa baka dun ako makahanap ng maayos na trabaho kase dito sa probinsya namin mahirap ang buhay. Isang kahig isang tuka. Karamihan dito tinataguriang Magdalena mga babaeng mababa ang lipad. Buti na nga lang hindi ako napasama sa membership nila jusko. Baka ako pa ang naging leader nila.
Madami ang nag-aaya saakin na sumali sa grupo nila para magpokpok malaki daw ang kita. Jusko naman malalaspag lang ako pag-sumali ako dun. Gasgas na yung ano ko ehh di pa ako yumayaman.
Isa pa kakayod at magtratrabaho nalang ako ng marangal para kumita. Hindi yung gagamitin ko pa ang yummy sexy body ko para lang kumita.
Asset ko na kaya to.
Nung nasa 2nd year college nga ako tinanong kami ng teacher namin sa accounting na ano daw ang assets namin.
Yung mga kaklase ko nagpapayabangan ng mga assets nila. Bahay, kotse, lupa, accessories at kung ano ano pa. Diba mga RK sila. Pero ako talaga ang nakakuha ng best answer sa lahat at tuwang tuwa din yung teacher kong pokpok sa sagot ko dahil ang sinagot ko ay.
"I'm just a poor girl, I dont have those fancy things. Ni wala akong magandang cellphone but I have the most rare asset ever." Nung sinabi ko yun halata sa mukha nila na nagtataka sila. Maging si teacher nag-iisip eh wala namang isip. Kaya tinanong na nya ako.
Agad ko naman siyang sinagot.
"My brain and body. This is the best asset that I have." Sabay ngiti ko sa kaniya.
Nagpose pose pa ako dun na parang kasali sa asia's next top model. Bigay na bigay ako sa pagpose. Sila naman nga-nga. Kaya narealize ko that time na tama talaga ang sagot ko. Nagpalakpakan pa sila.
Back to present naayos ko na ang lahat ng dadalhin ko. Konti lang naman to kase wala naman ako masyadong gamit. Nakabihis narin ako pati si BonBon. Sinuotan ko sya ng damit niya kaso nga lang medyo sikip na pero kers lang. Tinahi ko pa yun para sa kaniya gamit yung damit ni aling pasing na dala dala ni BonBon matapos nya magpupu sa barukan nila.
Pinasadahan ko muna ng tingin ang buong bahay. Di naman kase malaki tong bahay ko. Gawa lang to sa kawayan tapos ang bubong gawa sa surilap. Ako lang mag isa ang gumawa nito mga etyusera nga kapitbahay ko ehh kung makacomment wagas wala namang naitulong. Ako kumuha ng kawayan sa gubat, nagsurilap ng pawid at nagbuo nitong buong bahay. Skilled kaya ako. Kase nakapagtrabaho na ako sa construction dati. Ako yung taga tingin sa mga nagtratrabaho. Syempre malaki ang kita ko dun pagkase late sa oras ibinabawas yung sweldo nila tapos ibibigay sakin. Ehh masyado akong magaling kaya binabawasan ko yung oras nila. Hahahaha.
Lumabas na ako ng bahay para hintayin si Lucifer dahil handa naman na ako sa kaniyang pagdating. Dapat nga magpapadismedida pa ako sa kapitbahay ko kaso baka mabawasan na naman yung pinggan kutsara pati bangko dito sa bahay dahil baka iuwe nanaman nila. Cheche ehh.
"Ohhh Errieca san ka na naman pupunta? Kiaga aga nakagayak ka?" Napalingon ako sa nagsalita, nakita ko si aling Pasing na dala dala yung sandok at halatang stress na stress na sa buhay nya.
"Sasama na po ako kay Lucifer." Nakangiti kong sagot sa kaniya.
Bigla namang nanlaki ang mata niya bago sumagot.
BINABASA MO ANG
A PERFECT COUPLE
RomanceWhat happens if a girl like me, a "promdi girl," meets a guy like him who despises my kind? I am just a normal girl living a normal life, and I will enter a place that I believe is a good choice but is not. They all accept me, but not HIM. The man...